Vincent's POV
Habang patuloy akong naghahanap kay Baby Cal ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Tumatawag si Bianca.
"Hello? Si Baby Cal hawak ni Harvey."agad kong sabi.
"Tumawag ang baliw na 'yun sa akin."nanginginig at alam kong umiiyak na ito. "Hawak niya si Calvin."
"Hindi ko hahayaang makuha niya kayo sa akin."pagpapakalma ko dito.
"Paging for the parents of Calvin. Please proceed to the parking area, immediately."narinig kong pagpage ng mall.
Agad kong tinakbo ang Parking area para makita ang anak ko. I saw him with the guards. "Calvin!"sigaw ni Bianca.
Yakap ang agad naming iginawad sa anak namin. Nakita ko ang pagtataka ni Baby Cal sa amin. "Mommy, wag ka cry. Bakit ka nagcry?"tanong ng anak namin.
"Next time anak, 'wag kang sasama sa hindi mo kilala."umiiyak na si Bianca.
"Mam, Sir.. nakita namin ang batang ito sa parking kasama ng isang lalaki. Nagulat na lng kami ng paharurutin ng lalaki ang motor niya at iniwan ang bata. Kaya po nilapitan namin."kwento ng isa sa mga gwardya.
"Maraming salamat po."si Bianca.
"Let's go to the admin office. Tingnan natin ang CCTV footage ng buong mall."yaya ko kina Bianca. Binuhat ko si Baby Cal at inalalayan si Bianca. Alam kong nanghihina ito dahil sa pangyayari.
———————————
Nang makarating kami sa admin office ay nireview ng assistant doon ang CCTV. Sa entrance palang talaga ng mall ay nakasunod na sa amin ang baliw na lalaking iyon. Nang makarating naman kami sa bakeshop ay doon pala siya nakakuha ng pagkakataong makuha ang anak namin.
"Sorry."si Bianca.
"Shhh.. alam kong excited ka din sa gaganaping party ni Baby Cal. Hindi mo kasalanan." Ayan na naman siya. Sisisihin na naman niya ang sarili niya. Ayokong maulit yung paghihiwalay namin noon dahil lang sa sinisisi niya ang sarili niya.
"Pinabayaan ko ang anak natin kaya siya nakuha ng lalaking 'yun.''iyak niya sa akin.
"Sir, magpapadala po ako ng dagdag na pulis para maprotektahan ang pamilya n'yo."sabi ni PO1 De Guzman.
"Sige."
Kasama namin sa bahay ang anim na pulis na siyang naatasan na magbantay sa amin. Ayokong makalapit ang psycopath na lalaking iyon sa mag-ina ko. Sana mahuli na agad siya bago pa man ang birthday party ni Baby Cal.
"Kamusta ang anak natin?"tanong ko kay Bianca.
"Natutulog na siya."sagot nito saka umupo sa couch.
"Sobra ang takot ko kanina. Akala ko mawawala na sa atin si Baby Cal. Ngayon lang tayo nakompleto at nabuo. Hindi ko na hahayaan na malayo pa kayo sa akin." Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Mas sobra ang kaba ko. Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni Harvey. Natatakot na talaga ako."
"Kahit buhay ko ang maging kapalit. Basta maging safe lang kayo at malayo kayo sa kanya. I won't let him, tandaan mo yan."
Napansin ko si Bianca na namumutla at malamlam ang mga mata. Idinampi ko ang kanang kamay ko sa noo at leeg niya. "May sinat ka."nag-aalala kong sabi dito.
"Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko."
"Halika nga." Lumapit siya sa akin at isinandal niya ang ulo niya sa may kaliwang balikat ko. Hinilot ko ang magkabilang sintido niya para kahit papano ay mabawasan ang sakit ng ulo niya. "Masakit pa ba?"tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. "Magpahinga ka na." Tumayo ito at tumaas na papuntang kwarto. Marahil sa sobra niyang pag-aalala at takot kaya nagkakaganyan si Bianca. Masyado siyang nag-iisip ng kung anu-ano dahil sa pagbabanta ni Harvey. 'Matapos lang itong lahat, pakakasalan na kita Bianca. Mahal na mahal kita; kayo ni Calvin.'
——————————
Bianca's POV
Ang akala ko ay aalagaan lang ako ni Vincent dahil sa masama ang pakiramdam ko. Pero iba palang klaseng pag-aalaga ang gusto niya. May nangyari muli sa amin ng gabing iyon. Hindi ko na tinanggihan pa si Vincent dahil sa bukod sa gusto ko ito, alam ko at ramdam ko na safe ako kapag nandyan siya.
Dahil sa mga pagbabanta ni Harvey sa akin ay hindi ko na nagawa pang iwan ang anak namin. Palagi kong kasama si Calvin kahit saan ako magpunta. May dalawa rin kaming pulis na nagbabantay sa aming dalawa ng anak ko. Si Vincent naman ay hindi din nakakalimot na tumawag kapag nasa opisina siya. Palagi niya kaming kinukumusta ng anak ko. Labis din kasi ang kanyang pag-aalala na anumang oras ay makuha kami ni Harvey sa kanya.
Ang anak ko naman na si Calvin ay hindi ko na hinahayaang malingat sa akin. Hindi ko siyang binibitawan. Ayoko kasing maulit ang nangyari sa mall last time. Walang kaalam-alam ang anak namin sa mga nangyayari.
May dalawang buwan na din ang nakalipas pero walang Harvey na nahuhuli. Hindi na din ako nakakatanggap ng mga mensahe mula sa kanya ng ilang pagbabanta niya sa amin. Pero kahit ganoon, hindi kami naging kampante ni Vincent. Nasa isip namin na baka may pinaplano ito para makuha kaming mag-ina.
"Sa isang araw na ang birthday celebration ni Calvin ah. Kamusta ka naman Beshy?"si Oshin na nasa linya ngayon ng telepono.
"Oo nga 'e. Medyo busy dahil ang gusto ni Vincent ay maging maayos at maging masaya ang anak namin sa birthday niya."sagot ko naman dito.
"Try naming magpunta nina Hye Ji ha. Medyo busy din kasi ngayon si Stanley sa kompanya. Nagkaproblema kasi sila sa sales nito."
"Okay lang. Alam ko namang busy kayong mag-asawa. Sina Bes at Garren, pupunta sila."pagbabalita ko dito.
"Ganoon ba? We will try Beshy." She paused. "Kamusta na nga pala 'yung paghahanap n'yo sa psycopath? Nabalitaan ko ang nangyari."
"Wala pa rin ,Beshy. Hindi ko na nga alam ang gagawin. Hindi mawala ang pag-iisip ko na baka nand'yan lang siya sa tabi-tabi."I sounded worried.
"Basta Beshy, mag-iingat kayo ni Calvin ha. Alam ko namang hindi kayo pababayaan ni Papa Vincent mo."saka siya humagikhik.
"Ikaw talaga Beshy. Asahan ko kayo ha. Salamat."
"Bye Beshy."
Kahit na may kanya-kanya na silang pamilya ay hindi nawala ang komunikasyon namin sa isa't isa. Kami din kasing mga babae ang naging dahilan kung bakit madalas na ulit magkasama ang barkadang heartthrobs.
"Bianca, okay na yung mga CCTV's sa bahay. Ready na din ang mga awtoridad na siyang magbabantay sa atin sa party."si Vincent.
"Itutuloy pa ba natin? Kinakabahan ako, Vincent."sambit ko dito.
"Ako din naman." Niyakap niya ako. "Ang isipin na lang muna natin sa ngayon ay ang maging masaya si Baby Cal. Para sa kanya lahat ng hinanda natin."
"Pero—"
"Ssshhh... tama na muna 'yan ha." He kissed me on my forehead. "Let's go. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Hinawakan niya ang kamay ko saka nagpunta sa dining area.
'Sana nga. Sana lang talaga maging maayos ang lahat sa party.'
—————————
Unedited.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
General FictionWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...