Sana magustuhan n'yo ang first chapter.We are still hiring. We need more operators. Just piem me on facebook.
~~~~~~~~~~~
Bianca's Pov
Ano na naman kaya ang pakana ng Mayor ng aming lugar? May pakana na namang pauso sa university.
"Bes? Ano? Game tayo."yaya ni Colleen sa akin.
"Sige. Kasama naman kita e."Pagpayag ko. Gusto kasi ng admins na magkaroon ng apecial number si Colleen. Dahil siya nga ang nanalo this year sa singing contest, gusto nilang magperform siya sa pagbisita ni Mayor sa University.
Nagpunta kami sa office. Hihingi si Colleen ng permission para makasali ako sa performance na gagawin niya. Hindi naman kami nabigo. Napapayag niya ang mga officers.
"May mga dadayo daw Bes na dance troops mula sa St. Anthony."balita nito sa akin.
"Di ba dun nagmumula mga hearthrobs?"naeexcite kong sabi.
"Ikaw talaga. Basta usapang mga gwapo."natatawa niyang sabi.
"Syempre. Sayang ang ganda ko."pagbibiro ko pa.
"Tara na nga."yaya nito.
Maaga kaming nadismiss kaya maaga akong nakauwi. Hinatid ako nina Colleen. Napag-usapan na din namin ang kanta na kakantahin namin.
"Oh ihja, nandito ka na pala. Napaaga ka yata."si Lola Cora.
"Ay opo. Maaga pong natapos ang klase."nakangiti kong sabi saka nagmano.
"Siya, ako muna e magluluto apo."akmang tatayo na sana si Lola pero pinigilan ko siya.
"Naku Lola. Ako na po. Alam kong pagod kayo sa gawain dito sa bahay."sabi ko.
"Pero apo, pagod ka din-"
"Lola, wag na mapilit."
Wala ng nagawa si Lola. Nagpunta muna ako ng kwarto para magbihis saka naghanda ng iluluto pagkatapos.
Lumaki ako sa Lola at Lolo ko. Hindi ko na nakita pa ang tunay kong ama. Sabi nina Lola, iniwan daw ng ama ko ang nanay ko noong malaman nitong ipinagbubuntis ako. Namatay si Mama noong dalawang taon palang ako dahil sa cervical cancer.
Kahit na ganoon, masaya ako dahil I have my Lolo at Lola. Para sa akin, kompleto pa rin kami. They always give what I need. Mahal na mahal ko sila.
Habang nagluluto ay hawak ko ang ilang notes namin sa university. Malapit na kasi ang midterm exam. Kailangan ko magreview.
Matapos kong magluto ay sabay-sabay kaming naghapunan. May maliit kaming grocery sa bayan kung saan si Lolo ang namamahala. Doon din siya kumukuha ng pangangailangan namin sa araw-araw.
"Kamusta naman ang pag-aaral ng apo ko?"si Lolo Max.
"Okay naman po. Bibisita daw si Mayor sa university. Naassign po ako na kumanta kasama si Colleen."masaya kong balita
"MAbuti yan, apo."ai Lola.
Hindi naman talaga ako kagalingan sa pagkanta. Sapat na ang salitang "marunong".
"Kamusta naman yang kaibigan mo? Hindi na siya pumapasyal dito ah?"si Lolo.
Huling nagpunta si Bes dito ay noong maghanda kami para sa kaarawan ni Lola Cora. Isa si Colleen sa nagprepare ngcelebration noon.
"Namimiss ko na ang pagkanta niya sa amin."sabi naman ni Lola.
"Sige Lola, sasabihin ko sa kanyang dalawin tayo dito."nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Ficción GeneralWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...