Chapter 24

51 4 5
                                    

Vincents POV

Maluha-luha kong binuhat si Bianca para mailabas sa mansyon. Habang isa sa mga pulis naman ang may hawak kay Baby Calvin. Halo-halo na ang tumatakbo sa isip ko. Sunud-sunod na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Bakit ba nangyayari  ito sa amin?

Mabuti na lang at dumating agad ang ambulasya. Agad namin isinakay si Bianca doon. Habang sina Oshin naman ang nagpresinta na magbantay muna kay Calvin.

Hindi ko binitwan ang kamay ni Bianca. Wala pa rin itong malay. Nang nakarating naman kami sa ospital ay hindi na ako pinapasok pa sa emergency room kung saan dinala si Bianca.

"Vincent!" Nang lingunin ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko, nakita ko sina Garren at Myan.

"Pare, h-hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari."hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak ko. Bahala kung sabihing mahina ako.

"Wag ka nang masyadong mag-alala. Matapang na babae si Bes."si Myan saka ako niyakap.

"Magiging okay din ang lahat."si Garren na tinapik pa ang balikat ko.



Sinamahan nila ako sa paghihintay ko mula sa labas ng emergency room. May isang oras din bago lumabas ang doctor mula doon. Agad akong tumayo para lapitan ito.


"Doc, kamusta si Bianca?"tanong ko dito.

"She's stable now. But sad to say, hindi na po nakaligtas pa ang baby." Bigla akong natigilan sa narinig ko. "I'm so sorry, Sir."saka umalis ang doctor.











Hinintay naming mailipat ng room si Bianca. Nadatnan ko na mahimbing ang tulog nito. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya saka ito hinalikan. Kasabay nito ang muling pagbagsak ng luha ko.


Nagpaalam na rin ang mag-asawang Garren at Myan dahil kailangan din nilang asikasuhin si Corren na anak nila. Naiwan akong mag-isa na nagbabantay kay Bianca. Paano ko kaya sasabihin sa kanya na wala na ang baby namin? Kung masakit sa akin ang nangyari, mas doble pa ang sakit para sa kanya.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya. Gising na si Bianca. "Vincent?"tawag nito sa akin.



"Anong masakit sa'yo? Nagugutom ka na ba?"tanong ko sa kanya.


"Si Calvin? N-nasaan siya?"tanong niya sa akin.



"Nasa Ninang Oshin niya. Pansamantala ko munang ibinilin sa kanila dahil kailangan kitang isugod dito sa ospital."sagot ko dito.



"Si Harvey?"tanong ulit niya.


"Wala na siya. Hindi na niya kinaya dahil sa dami ng balang tumama sa kanya."





"Ang baby natin?" Sandali akong natahimik. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya. "Vincent, tinatanong kita."





"W-wala n-na."



"Anong wala na?"



"Hindi na kinaya ng baby natin. Nakunan ka. Malakas ang pagkakabagsak mo nang maitulak ka ni Harvey. Wala na ng baby natin."umiiyak ko nang sabi.




"Hindi! Hindi ko alam na buntis ako. H-hindi ko alam na  sa pagligtas ko kay Calvin, mawawala ang baby natin. Kasalanan ko 'to!"doon na siya nagsimulang humagulgol sa pag-iyak.



"Tahan na. Hindi mo kasalanan. Makakasama sa lagay mo 'yan. Wag ka nang umiyak."pagpapakalma ko sa kanya.


"Vincent... ang baby natin."iyak niya sa akin. Niyakap ko siya.



Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon