Vincent's POV
Nang makabalik ako sa condo ko ay agad kong tinawagan si Bianca. Matagal bago pa niya ito sagutin. "Bianca?" Hindi ito nagsalita. Puro hikbi ang naririnig ko mula sa kabilang linya. "Bianca?"tawag ko ulit dito.
"Kunin mo na ako dito sa amin. Sasama na lang ako sayo."sambit nito habang umiiyak.
"Sinaktan ka ba ng Lolo mo? Please, tumahan ka na."may tono kong pag-aalala dito.
"Sunduin mo ako dito. Please."pagmamakaawa nito. Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong makasama siya. Kaya lang natatakot ako. Nakita ko kung paano ako tingnan ng Lolo niya.
"ALam mong hindi pwede. Mas makakabuting sundin mo ang mga Lolo at Lola mo."paliwanag ko sa kanya.
"Kung mahal mo ako, kukunin mo ako dito."
"Bianca, listen to me. Iniisip lang ng Lolo mo ang alam niyang makakabuti sayo. Makinig ka sa kanila."
"Hindi 'yan ang gusto kong marinig!"halos pasigaw na itong sabi. "I am asking you if you truly love me?" Sandali akong natahimik. "Mahirap bang sagutin, Vincent?"
"Bianca—"
"Now, I understand. Hindi mo masagot kasi hindi mo naman talaga ako mahal. Ginamit mo lang talaga ako." She paused. "Ay oo nga pala. Bakit nga ba ako umaasa 'e wala naman talagang tayo. Bawal ma-inlove, right? Ngayon nakuha mo na ang gusto mo sa akin. Tama lang siguro na itigil ko na ang kahibangan ko!"
May kirot sa puso ko akong naramdaman matapos kong marinig ang mga sinabi ni Bianca. "Bianca naman. Mahal kita. At sigurado ako sa nararamdaman ko."
"Siguro nga, hanggang dito na lang ako. Isang babaeng hindi mo kahit kailan kayang seryosohin."
Magsasalita pa sana ako nang bigla nang naputol ang tawag na iyon.
Ilang araw na din ang lumipas mula noong huling nagkausap kami sa tawag ni Bianca. Aaminin ko, I miss the times na palagi niya akong tinetext at tinatawagan. Yung tipong sobra ka nang makukulitan sa kanya. And I love it.
Nagpasya akong puntahan si Bianca sa bahay nila para bumisita sana. Kaya lang kapag nasa harap na ako ng bahay nila, inuunahan ako ng takot. Takot na harapin ang guardians niya. Takot na ipaglaban siya. Takot na baka sa huli ay maging masama ang resulta kung sakaling ipaglaban ko siya. Selfish? No. Iniisip ko din ang magiging kalagayan ni Bianca sa piling ko. Kung magiging masaya siya kung pipiliin niya ako over her family. Alam ko sa ganoong sitwasyon ay hindi siya magiging masaya. Patuloy lang niyang maiisip ang guar dians niya habang kasama niya ako.
Hindi ko maiwasang mapangiti kapag natatanaw ko mula sa labas si Bianca na sumasayaw habang naglilinis ng bahay nila. Ganoon din ang pagdidilig niya ng mga halaman sa labas ng bahay nila habang kumakanta. Pero ang mga ngiting iyon ay agad na napapawi sa t'wing maiisip ko na mukhang wala na kaming pag-asa.
Isang araw, habang tinatanaw ko ang babaeng mahal ko ay bigla na lamang nagring ang cellphone ko. "Hello?"
"Yes, hello. Who's this?"
"This is Attorney Guzman. I have news about the case of your mother."
"Really? Magkita tayo."
—————————
Bianca's POV
Ilang linggo pa ang lumipas. Ni-ha, ni- ho wala akong matanggap mula kay Vincent. Mukhang tuluyan na niya akong iniwan sa ere. Sobra ko na siyang namimiss pero wala akong magawa. Pinagresign ako sa trabaho ni Lolo para lang hindi na ako makalabas ng bahay. Sobrang nakakainip at nakakaburyong dito sa bahay. Pwede na nga yatang isangla ang sahig at ilang gamit dahil ang kikintab na nila. Wala kasi akong magawa kundi ang maglinis dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Ficción GeneralWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...