Chapter 15

57 2 2
                                    

Vincent's POV

"Mas malala na pala ngayon ang problema n'yo ni Bianca."si Migs. Isang linggo na din ang mabilis na lumipas after nung pagkikita namin ni Bianca. Ganoon pa din ang set-up. Stalker pa din ako nito.

"So, anong susunod mong plano? Sasabihin mo na sa kanya ang totoo?"si James.

"Paano ko sasabihin?"tanong ko dito.



"Naku, problemang malupit yan."pailing-iling na sabi pa ni James sa akin.


"Guys, balita ko na si Bianca lang at ang anak nila ni Vincent ang nasa condo ngayon. Nag-out of town daw si Oshin kasama ang boyfriend niya."si Migs.

Akmang lalagukin ko na sana ang isang baso ng alak sa harapan ko nang biglang magring ang phone ko. Ano kayang nangyayari sa bahay?


"Hello? Yes? Ano?! Sige, pakisabi 'wag siyang aalis d'yan. Papunta na ako." Agad ko nang tinapos ang tawag ng maid namin na iyon.




"Ano daw?"si James.


"Si Bianca, nasa mansion daw."






—————————


"Bianca?"sambit ko pagdating ko. Agad ko siyang sinunggaban ng yakap pero bago pa man siya mahawakan ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin dahilan para matigilan ako.

"Nasaan ang magaling mong ama? Or should I say ang walang-hiya kong ama?" Sa puntong iyon ay napatingin ako sa kanya. Nakakagulat na alam na niya ang lahat. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang galit.

"Papaanong—"


"So alam mo din pala. Pinagmukha n'yo kong tanga! Lahat kayo!"bulyaw niya. Sa pagkakasigaw niya ay kasunod nito ang pag-iyak ni Baby Calvin na buhat niya. Muli ko siyang tiningnan sa mata. Matapang ang tingin niya sa akin habang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha. "Ano ngayon? You're my brother now, ganoon ba?"

"H-hindi."umiling-iling ako. Naramdaman ko na din ang mainit kong luha. "M-mali ang iniisip mo." Lumapit ako sa kanila ng anak ko pero umatras ito.

"'Wag mo akong hawakan! Si Baby Calvin? Bunga ba ito ng kamalian natin?"

"Mali ang iniisip mo. Hindi ako tunay na anak ni Dad. Anak ako sa ibang lalaki ng Mommy ko."bulyaw na paliwanag ko.


"Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Yung pagmamahal mo? Kung totoo lahat nang 'yon! Kasi lahat sa buhay ko sa simula palang ay puro kasinungalingan!"iyak nito.


"Bianca, maniwala ka naman  sa akin."pagmamakaawa ko.


"Tumigil na kayo!" Lahat kami ay napalingon mula sa kinaroroonan ng taong nagsalita. "You heard it right, Bianca. He's not my son. You are my one and only daughter."



"No! Hindi kita matatanggap! Hinding-hindi! 'Wag kang mag-alala, lalaban ako para mabigyan ng hustisya ang aking ina."si Bianca.


"Me too! Now is the right time para pagbayaran mo rin ang pagpatay mo kay Mommy!"galit ko ring sabi.


"Gawin n'yo nang lahat ng gusto n'yo. Ang mahalaga ngayon ay alam mo na Bianca ang totoo mong pagkatao. Handa kong pagbayaran ang lahat mapatawad mo lang ako anak."si Daddy na nakatingin at nagmamakaawa kay Bianca.


"No! See you on court Mr. Novales!" Aalis na sana ito nang pigilan ko. Hinawakan ko ang braso niya. Agad naman niyang iwinaksi ang pagkakahawak ko. "I don't want to see you again. 'Wag ka nang umasang magiging maayos tayo. Dahil sa simula palang, walang nabuong pagmamahal sa atin. Lahat ng iyon ay peke. Leave us alone." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad palayo.



Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon