Chapter 28

59 2 2
                                    

Bianca's POV

Madali lang ang naging preparasyon ng lahat sa aming kasal. Si Colleen ang Bridesmaid at si Migs ang naging Bestman ni Vincent. Lahat ng seminars na about sa pagpapakasal ay umattend kami para naman mas maintindihan namin ang kahalagahan ng kasal.

Kasalang simbahan ang nangyari which is katulad ko, pinapangarap ng lahat ng kababaihan. Noong araw na ikinasal kami ni Vincent ay si Bes amg mismong naging wedding singer namin. Ang parents ni Colleen ang tumayong magulang ko noong kasal namin. Barkadahan namang nakaabang malapit sa may altar si Vincent kasama ang mga kaibigan nito. Hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sobrang saya. Lahat ng mga nangyari na pagsubok sa amin  ay nagflashback sa akin. Nalagpasan namin ang mga iyon.

Tuwang-tuwa naman si Calvin sa kasalang naganap. Bidang-bida ang anak ko. Kasi naman, nagsayaw pa silang mag-ama sa harap ko. At talagang nakakaaliw 'yon.

"Bie, halika nga dito." Lumingon ako sa dalampasigan. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Vincent na nagpapakahirap gumawa ng kastilyong buhangin. "Bie! Bilisan mo."tawag ulit nito.

"Nandyan na." Tumayo ako at saka dali-daling nagpunta sa kanya. "Ano ba 'yan? Ang pangit naman."puna ko.

"Pangit? Pinaghirapan ko kaya 'yan."tampong sabi nito.

"Baby boy, ang init-init. Nagpapakahirap ka d'yan. Baka naman pwede na tayong kumain?"tanong ko dito.

"Gutom ka na naman, Bie?"natatawang sabi nito.

"Hoy Vicente!" Namewang ako. "FYI lang, kahit ganito ako kalakas kumain hindi ako nagkakakabilbil."pagmamalaki ko sa kanya.

"Sus, ito naman. Hindi ka na mabiro. Saka tigilan mo nga ako katatawag mo ng 'VICENTE'. Ang pangit pakinggan."

Natawa ako. "Tatawagin kita sa kung anong gusto kong itawag sayo, Vicente?"

"Isa. Kapag tinawag mo pa ako ng ganyan, baka pagsisihan mo ang gawin ko sayo?"pagbabanta nito.


"Bahala ka d'yang Vicente ka."saka ako lumakad papunta sa  beach house na ntinutuluyan namin.

"Itong asawa ko talaga. Humanda ka sa akin kapag naabutan kita."

Tumakbo ako papasok ng beach house. Hindi pa man ako nakakarating sa kusina ng bahay ay agad na niya akong hinapit sa bewang. "Huli ka! Lagot ka sa akin ngayon." Pinupog niya ako ng halik sa tenga at sa leeg.

"Teka nga. B-bitawan mo ako. Nakikiliti ako."natatawa kong sabi dito.

"Wala kang kawala sa akin ngayon." Binuhat niya ako patungong kwarto at hindi na nga ako nakapalag pa.

Ilang araw palang ang dumaan mula noong araw na ikinasal kami. Dalawang linggong bakasyon para sa honeymoon ang inilaan namin dito sa Batanes. Si Calvin naman ay nasa pangangalaga ni Beshy. Natutuwa kasi ito sa t'wing magkasama ang mga anak namin kahit palaging aso't pusa ang mga ito.

"Beshy, kamusta ang honeymoon n'yo?"si Oshin.

"Okay naman. Kaya lang hindi mawala sa isip ko si Calvin."

"Cal, kakausapin mo ba si Mommy? Inaalala ka daw kasi niya."si Oshin.

"Hello, Mommy?"

"Kamusta ka na anak?"

"Don't worry Mommy. I am fine here. Just enjoy your honeymoon there. Don't forget our pasalubong ha. Saka sana pag-uwi n'yo, I have a baby brother na." Natawa ako sa narinig ko. Parang hindi bata ang kausap ko.

"Okay po. I love you. I miss you, Cal."

"I miss you too, Mommy. Also Daddy."

Saglit akong natigilan. Okay lang ba talagang iwanan ko si Calvin para lang sa two weeks vacation namin?

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon