Chapter 4

100 4 2
                                    

Vincent's Pov

Ilang buwan na din mula nang mangulit sa akin ang baliw na babaeng 'yon. Nakakainis na nga minsan. Sa sobrang kadaldalan, nakakabingi.

"Ano ba yan, Vincent? Akala ko ba ayaw mo sa babaeng 'yon?"si Migs.

"Isn't obvious. Hindi ko siya gusto."inis kong sabi.

"Ang alam ko, kapag hindi mo gusto pinapahiya mo para tumigil. Iba ang trato mo sa isang yan ha." Si Bianca ang timutukoy nito.

"Dami mong alam!"

Nagulat ako nang makarating sa bahay. May ilang messages sa Facebook account ko. Karamihan ay nagtatanong kung totoong taken na ako. TAKEN?

Agad kong tinawagan si Migs para alamin ang nga nangyayari. "Hello? Ano na naman ba ito, Migs?!"

"Vincent, may kumakalat na kayo daw ni Bianca. Hindi ko alam kung paano kumalat at sino nagpakalat."sagot naman ni Migs sa akin.

"Kahit kailan talaga ang babaeng yon!"inis kong sambit.

"Wag kang mainis. Napaghahalata ka, pre."pang-aasar pa nito mula sa kabilang linya.

"Kung katabi kita, nasuntok na kita. Sige na!"

Hindi ako mapakali sa nabalitaan ko. This is the first time na tatawagan ko ang baliw na babaeng 'yon.

"Good evening! Napatawag ka? Miss mo na ako no?"dire-diretso niyang tanong sa akin nang masagot niya ang tawag ko.

"Wag kang assuming!"asar talaga itong babaeng ito.

"Grabe ka talaga sa akin."

"May alam ka ba sa kumakalat ngayon? May girlfriend na daw ako."inis kong tanong dito.

"Meron na ba? Sino? Napakaswerte naman niya."malungkot na sabi niya.

"Hay naku. I am just asking. Bakit ganoon na lang ang tanong ng mga tao sa akin sa Fb?"tanong ko ulit.

"Malay ko? Binlock mo ako sa FB tapos ngayon magtatanong ka? Labo mo din!"

"Malaman ko lang na may kinalaman ka dito. Malalagot ka talaga sa akin."pagbabanta ko dito.

"Wala talaga akong alam! Matulog ka na nga lang!" Teka bakit parang naiinis na naman sa akin ang baliw na ito? Minsan talaga, hindi mo na masakyan ang kabaliwan niya.

"Sir, ipinatatawag po kayo ng Daddy n'yo."tawag ng isa sa mga maid namin sa bahay. Lumavas ako ng kwarto at agad na nagtungo sa salas namin. Ano na naman kayang sasabihin ni Daddy sa akin? Sigurado ako na hindi ko na naman magugustuhan kung anuman iyon.

"Ano na naman ba ang kailangan nating pag-usapan?"sarkastiko kong tanong kay Dad.

"I want her for you. I saw you with Bianca last time. Nakita ko kung paano mo siya tingnan, Anak."narinig kong sabi nito. Nakuyom ko ang kamao ko.

"So, kayo palaang may pakana ng lahat! You have no right para pakialamanako at ang mga tao sa paligid ko!"galit kong sabi dito. Ayoko sa lahat ay yung pakikialaman ako.

"Pinadadali ko lang ang lahat."kampante pa niyang sabi.

"Pinapadali? Lalo mo lang akong ginugulo!"bulyaw ko.

"Alam ko na iba ang nararamdaman mo kay Bianca. Hindi mo lang inaamin pa sa sarili mo. Hindi maitatangging anak nga kita."natatawa pa nitong sabi na lalong ikinakulo ng dugo ko.

"Stop it! Wag na wag mong idadamay si Bianca sa mga paninira mo sa akin!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binasag ko ang vase na nasa glass table saka itinutok sa kanya. "Baka makalimutan kong ama kita. Don't you dare to touch her. Kahit na ama kita, you don't deserve to call yourself a father."

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon