Bianca's POV
Hindi ako mapakali at makapagfocus sa ginagawa kong evaluation ng mga estudyante ko. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Vincent sa akin last week. Tama siya sa puntong ama ko pa din si Domingo. Pero may galit pa rin na siyang pumipigil sa akin para puntahan at patawarin siya.
"Hayyyssss...."isang malaking buntong-hininga ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Napalingon ako sa likuran ko sa gulat.
"Hindi naman."sagot ko.
"Dahil ba sa mga estudyante mo?"tanong nito saka umupo sa silya katabi ng table ko.
"Nope." Itinuon ko sa ginagawa ko ang atensyon ko. Naiilang na kasi ako sa t'wing nandyan siya.
"Family problem?"
"Wala ako sa mood makipagkwentuhan. Can't you see, I'm busy?!"bulyaw ko.
"Sorry."saka ito tumayo at lumabas.
Hindi ko sinasadyang masigawan siya. Wala lang talaga ako sa mood makipagkulitan lalo na sa kanya.
Hapon na. Practice time for that dance ek-ek. I hate it. Maaalala ko na naman siya.
"Need natin ipakita sa mga bata kung paano ang sayaw. Teacher Biancs, your partner for the dance demo is Teacher Harvey."sabi ng Head Teacher namin. I have no choice.
"Iinom lang ako ng tubig."paalam ko. Bumalik ako ng faculty room. Sa hindi sinasadya ay natabig ko ang isang babasaging baso na nakalagay doon. Nakaramdam ako ng biglang kaba. Hindi ko alam pero sobra ang kaba ko. Sandali akong natulala.
"What happened?" Namalayan ko na lang si Harvey na lumapit sa akin. Sa pagkabigla ko ay pinulot ko ang mga bubog na nagkalat sa sahig. "Teacher Biancs! Stop!"pagpigil ni Harvey sa akin. Huli na nang makita ko na dumudugo ang mga nanginginig kong mga kamay. "Anong nangyayari sayo?"nag-aalalang tanong ulit sa akin ni Harvey. Tumingin lang ako ng diretso sa kanya. Naramdaman kong pinahid niya ang luha ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kaba at takot pero sa anong dahilan? Hindi ko alam.
Inalalayan ako ni Harvey at ng ilang teachers papuntang clinic. Agad nila akong pinaupo sa couch doon saka ako inasikaso ng nurse. "Are you okay?"si Teacher Harvey.
"Okay na ako. Salamat."
"We need to continue our practice. Balik na muna kami sa big room."paalam ng Head Teachers at ng iba pang teachers. Tumango lang ako sa kanila.
"Ano ba kasing nangyari?"si Harvey.
"Bigla na lang akong kinabahan nang matabig ko ang baso. Takot at kaba. Hindi ko alam kung bakit."
"Relax. Everything will be alright."pagpapakalma ni Harvey sa akin.
Binendahan ng nurse ang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkirot ng mga sugat na natamo ko dahil sa bubog. Nang maging kalmado na ako, nagpasiya ako na bumalik at magjoin sa dance practice.
"Ready?"si Harvey. Tumango ako kasabay ng isang pilit na ngiti. Nagsimula na kaming magsayaw. I can't stare at him. Hindi dahil sa nahihiya dahil sa ilang kantiyaw ng mga estudyante. I really feel awkward.
Sa kalagitnaan kami ng sayaw nang maramdaman ko sa bulsa ko ang pagba-vibrate ng phone ko. When I checked it, it's Vincent.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Genel KurguWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...