Bianca's POV
Tatlong buwan na din nang mawala si Lola. Lumalaki na rin ang tiyan ko. Halatang-halata na siya. Sa ngayon, sa pensyon lang nina Lolo at Lola ako umaasa. Hindi naman ako matanggap sa trabaho dahil nga juntis ako.
Habang mag-isa sa bahay ay hindi ko maiwasang isipin ang mga araw na kompleto pa kami nina Lola. Minsan nga hindi ko na namamalayan na umiiyak na pala ako. Hay naku! Mag-isa na lang talaga ako. Sana maging mabilis lang ang panahon para naman makita ko na si Baby. Si Vincent kaya? Naaalala niya kaya ako?
Ngayong umaga ko kukunin ang pensyon ng aking Lolo at Lola. Diretso na din ako sa malapit na clinic para sa buwanang check-up ko. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako sa clinic na ito. Kasi private ito pero libre ang pagpapakonsulta ko. Tinatanong ko din naman ang iba pang buntis na napunta dito, ang sagot nila maswerte ako dahil napili ako sa mga naisponsoran ng libreng check-up. Inadya na rin siguro ni God kasi kung may bayad dito, siguradong kukulangin ako sa panggastos. Pambayad sa kuryente at tubig, isama mo pa ang renta.Jusko! Kung hindi nga lang dahil kay baby. Bawal daw kasi mastress. Mastress din daw si Baby.
Matapos ang magandang resulta sa check-up ko, agad akong nagpunta sa grocery. Kailangan ko mamili ng mga kailangan ko. Nagulat na lang ako nang biglang may babaeng lumapit sa akin. Nang tingnan ko siya ay labis na kasiyahan ang naramdaman ko pero sa kabila noon ay nahiya ako sa sarili ko ngayon.
"Beshy?"Sambit ko.
"H-hi?"ngumiti ito sa akin habang pinagmamasdan ako. "Kamusta?"
"Medyo hindi okay e." Malungkot kong sabi.
"Teka, you're married na pala. Who's the lucky guy, Beshy?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Maswerte nga si Vincent. Ako naman ang minalas.
"Naku Beshy, wag mo nang tanungin ang lalaking nang-iwan sa akin." Agad kong pinahid ang nangingilid kong luha.
"Sorry, Beshy. Wag ka na umiyak. Baka makasama sa baby mo yan." Pag-aalala ni Oshin. "Saan ka ngayon nakatira? Ihahatid na kita."offer nito.
"Apartment. Namatay na kasi ang lolo at lola ko. Mag-isa lang ako sa bahay."hikbi ko.
"Tahan na. Let's eat, Beshy. Namiss kita."masayang yaya nito.
"Kulang kasi ako ngayon sa budyet. Medyo nagtitipid. Alam mo na. Manganganak ako tapos yung upa sa bahay." Nakakahiya.
"I have a bright idea! Why don't you come and live with me. Tutal mag-isa lang naman ako sa condo. Para mabantayan na rin kita." Lalo na akong nakaramdaman ng hiya.
"Wag na. Nakakahiya. Kaya ko pa naman e."
"Beshy think. Paano kung mapaanak ka ng wala sa oras? Sinong tutulong sayo if you're alone? Saka paano ka nabubuhay sa ngayon? Are you working with that situation?" Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Nakakahiya man aminin pero talagang nahihirapan ako. "I'm sorry. Nag-aalala lang ako sayo. Doon ka na lang sa condo ko ha. Ako na bahala sa lahat."
"P-pero Beshy—"
"No buts okay? Isipin mo yung baby mo." Tumango na lang ako
Dinala ako ni Oshin sa isang restaurant matapos naming mamili. Nahihiya ako pero naging komportable na din ako kinalaunan. Hindi ko alam kung bakit ang lakas kong kumain. Siguro dahil malakas din si Baby sa loob ng tiyan ko.
"Siya nga pala. Alam na ba ni Bes na dumating ka?"tanong ko.
"No. Kung pwede sana ayokong malaman niya."Sagot niya.
"Bakit naman?" Hindi na siya umimik. "Ahh, alam ko na. Dahil kay Stanley no?"
"Wag ka mag-alala. Balita ko, Stanley and Hyuna are dating." Diretso kong sabi dito.
"Ahh, basta wag mo muna sabihin kay Couz."pag-uulit nito.
"Sige."
——————————
Nagdesisyon akong iwanan ang bahay na inuupahan ko. Kasama noon ang masasakit na alala. Ngayon ay dito na ako sa condo ni Beshy mananatili. Napag-isip-isip ko din ang mga sinabi niya. Atleast ngayon may kasama na ako.
Habang nag-aayos ng mga gamit ay nabigla ako sa pagdating ng humahangos na si Oshin. Agad itong nagtuloy sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig.
"Beshy, bakit panay ang inom mo ng tubig? May problema ka ba?"tanong ko dito.
"Hindi kasi ako makaget-over sa pagkikita namin kanina ni Stanley."sagot naman niya.
"Ano ngayon ang plano mo?"
"Hindi ko alam, Beshy. Siguro, ipagpapatuloy ko lang ang ganito na casual lang. Trabaho lang."saka ito napabuntong-hininga.
"Ang tanong 'kaya mo ba'?" Patuloy ko pa.
"Wag mong isipin kung paano ko kakayanin na makita si Stanley. Ang isipin natin, ang baby mo. Malapit na ang kabuwanan mo."pag-iiba niya ng kwento para makaiwas sa issue nila ni Stanley. Hinawakan niya ang tiyan ko.
"Oo nga e. Kinakabahan ako sa paglabas niya. Bukod sa wala akong ipon, wala pa siyang tatay."malungkot kong sagot dito. Hinimas ko ang bilog kong tiyan. Bumibigat na talaga siya.
"Baby, wag mong pahihirapan si Mommy mo. Andito lang si Ninang Oshin. Tutulungan ko kayo."sabi nito na para bang kinakausap si Baby sa tiyan ko. Nagulat naman ako nang biglang lumikot ang baby sa tiyan ko.
"Bakit hindi mo tawagan si Vincent? Ano bang nangyari sa inyo?" Hindi ko sinabi sa kanya na ako talaga ang may kasalanan ng lahat.
"Beshy, ayokong tawagan siya para lang sabihin na nabuntis niya ako. Gusto kong bumalik siya dahil mahal niya ako. Di dahil sa responsibilidad niya sa anak ko."seryosong sabi ko.
"Sabagay, tama ang sinabi mo."pagsang-ayon naman niya.
—————-—
Vincent's POV
Madalas kong sundan si Bianca. Kausap ko na rin ang OB na tumitingin ka Bianca. Oo, kasabwat ko si Dr. Diaz. Binabayaran ko lahat ng expenses ni Bianca sa mga check-ups niya. Ako ang sponsor na sinasabi ni Dr. Diaz dito. Lihim ko siyang tinutulungan para sa baby namin.
"Mr. Novales, hanggang kailan n'yo ililihim na tinutulungan mo si Miss Bianca?"
"Hindi ko alam Doc. Alam kong hindi niya tatanggapin lahat ng ginagawa ko ngayon once na malaman niya."malungkot na sabi ko dito.
"Pero alam mo, hindi ko maiwasang maawa sa kanya."
"Masakit din sa akin lahat Doc. Pero wala akong magagawa. Siya ang may gusto na maghiwalay kami."saka ako napabuntong-hininga. Bakit ba kasi hindi ako naging mas matapang noong araw na iyon? Bakit nga ba hinayaan ko mangyari ngayon ang lahat nang ito? Kung sana naging mas matapang at mas matigas ako, sana masaya kami ni Bianca habang hinihintay ang paglabas ni Baby.
"Here's the result of her ultrasound. Congratulations Mr. Novales. You have a baby boy."saka iniabot nito ang kopya ng picture sa ultrasound ni Bianca.
"Thank you, Doc."
"You're welcome. Alam kong iyan sa ngayon ang magpapasaya sayo habang nasa ganyan kayong sitwasyon. Hayaan mo, ipagdarasal kong maging maayos na ang lahat sa iyo." Ngumiti ako dito.
Saya at lungkot. Magkahalong feeling habang pinagmamasdan ko ang larawang ibinigay ni Dr. Diaz sa akin. Masaya dahil lumalaking malusog sa sinapupunan ni Bianca ang aming baby boy. Malungkot dahil sa patuloy niyang paglaki, mas mahihirapan si Bianca.
—————————
"Yes, Migs?"sagot ko sa tawag ni Migs mula sa phone.
"I saw her sa WalterMart. Mamimili yata."
"Talaga? Siya lang bang mag-isa?"tanong ko dito.
"Hindi e. Koreana yata yung kasama niya. Palabas na sila ng WalterMart."
"Ano? Sundan mo Migs! Text mo ako kung saan sila pupunta. Susunod na lang ako." Nagmadali akong sumakay ng kotse ko saka pinaharurot ito. Sino kaya ang babaeng sinasabi ni Migs? Naku! Uso pa naman ang budol ngayon. Baka kung mapaano ang mag-ina ko.
——————
Abangan ang mga susunod na mangyayari. May iba pang rebelasyon ang inyong malalaman. Kaya wag palalampasin.
Unedited.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Fiksi UmumWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...