Vincent's POV
This is our son's day. Three years old na siya today. Kitang-kita sa mukha ng anak ko ang saya nang makita ang madaming balloons sa paligid. Isama mo pa ang cakes niya mula sa mga ninong niya.
Samantala, si Bianca naman ay hindi mapakali dahil sa hindi daw maalis ang kaba niya. Kaya naman mas nagpadagdag pa ako ng mga pulis na siyang magiging bantay sa gaganaping party.
"You look pale."pansin ko kay Bianca. "Are you okay?"
"Okay lang ako."
Dinampi ko ang kamay ko sa leeg at noo nito para icheck ang temperature niya. Hindi naman ito maiinit pero halata dito na hindi maganda ang pakiramdam nito. "Matagal ko nang napapansin ang ganyan mong awra ha."sabi ko pa dito.
"Okay lang talaga ako. Maya-maya magsisimula na ang party."pilit ang ngiti nito.
"Sigurado kang okay ka lang ha. 'Wag mo kasi masyadong isipin si Harvey. Magiging okay lang ang lahat." I kussed her on her forehead saka kami naglakad papuntang front stage.
Dumating din sina Stanley at Garren kasama ang kani-kanilang pamilya. "Kamusta Pare!"si Stanley.
"Okay naman. Nagkaayos na kami."masaya kong sabi dito.
"So kailan mo balak siya pakasalan?"si Garren.
"May pinoproblema pa kami sa ngayon. Kapag naging okay na ang lahat. Saka ko siya pakakasalan."sabi ko dito.
"Mabuti at nagpadagdag kayo ng pulis. Masyadong delikado ang sitwasyon n'yo ngayon."si Stanley.
"Oo nga."
"Teka, okay lang ba talaga si Bianca? Mukhang namumutla siya."puna ni Garren.
"Okay lang naman daw siya."sagot ko.
"Tingnan mo ang mga asawa natin. Mukhang namiss nila ang isa't isa oh. Ang lalakas ng tawanan at kwentuhan."si Stanley.
"Ngayon ko lang ulit nakita ang ganoong ngiti ni Bianca."sambit ko.
"Naku, dapat alagaan mo na sila ni Calvin."si Garren.
"Mas dodoblehin ko ang pag-aalaga sa mag-ina ko this time. Ayokong mangyari ulit ang dati. Hindi ko na sila pababayaan."
"Sabi mo 'yan ha. Titirisin talaga kita na parang kuto kapag iniwanan mo si Daldal."si Stanley na may halong pagbibiro.
"Relax."saka ako tumawa.
Naupo kaming lahat sa isang round table na malapit sa stage. Masaya kaming nagkukwentuhan nang mamalayan ko na ang oras. Nakakapagtaka na mag-aalas-tres na ng hapon pero wala pa din ang clown na hinire namin.
"Wala pa ba 'yung clown? Anong oras na?"tanong ko kay Bianca.
"Relax, baka natraffic lang siya. Darating din 'yun."pagpapakalma ni Bianca sa akin.
"Hintay na lang natin Daddy."si Baby Cal na katabi namin ni Bianca.
"Mas nagpapanic pa ang Daddy kaysa sa birthday boy natin."pagbibiro ni Stanley.
"Alimango!"saway ni Oshin.
"Okay lang yan Beshy."si Bianca na nakangiti.
Maya-maya pa ay dumating na ang clown. Teka, bakit mag-isa lang siya? Ang alam ko, duo ang hinire ni Bianca. May iba akong nararamdaman sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Ficción GeneralWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...