Chapter 16

59 1 0
                                    

Sa mga gustong makilala pa ang mga karakter sa istoryang ito, join us on facebook. Just search HEARTTHROBS AND QUEENS SERIES OFFICIAL. We also have group chat. Makakausap n'yo nang malaya ang mga FC's at makipagkulitan sa amin.


————————————

— — — —> play media on the side <— — — —



Bianca's POV


"Uy, napapansin na kayo ng mga ka-co-teachers natin ha."si  Teacher Charisma.


"Magkaibigan lang kami. Saka alam n'yo namang ang anak ko ngayon ang priority ko. Say no to lovelife muna ako."saka ako ngumiti.

"Teacher Biancs!"

"Speaking...."natatawang sabi pa ni Teacher Charisma.


"Tumigil ka nga."saway ko dito. "Oh? Bakit?"baling ko kay Harvey.


"Tara magcoffee sa cafeteria."yaya nito sa akin.

"Sige lang. Madami pa akong gagawin. Math Teachers ang students ko mamaya sa Debate subject. I need to prepare questions for them."saka ako ngumiti.

"Oh, busy ka pala. Sige, mauna na ako sayo ha."paalam nito saka umalis. Sana lang, hindi siya makahalatang iniiwasan ko siya. Ayoko din kasi na maissue kami dito sa school. Bawal ma bawal iyon.

Katulad nang naiisip ko, hindi nga ako nagkamali. Kumalat nga ang tsismis about sa amin ni Harvey. Hindi ko din naman kasi masisisi ang mga taong nakakakita sa amin. Palagi kasi akong binibigyan ng coffee ni Harvey, at kung minsan pa nga ay donuts. Bilang babae, ramdam ko at hindi maipagkakaila na may gusto siya sa akin.

Pumasok ako sa Head Teacher's Faculty. Pinatatawag daw kasi ako ng Head Teacher namin na si Teacher Joseph. "Have a seat, Teacher Biancs." Naupo ako. "May mga nababalitaan ako na ipinagkakalat mo daw na may gusto sayo si Teacher Harvey. Nakarating din sa amin na binibigyan mo ng ibang kahulugan ang pagbibigay niya ng foods sa'yo." Nabigla ako sa mga narinig ko.

"I don't think na tama ang naririnig n'yo from the other teachers. You knew me, Teacher. Hindi ko kayang gawin na ipagkalat ang mga ganyang bagay lalo na't maaaring makasira sa record ko dito sa trabaho. I love my job."sagot ko.



"Okay. I'm sorry. Alam nating mga malisyoso ang nga korean students pagdating sa mga ganyang bagay."

"Hindi ko alam kung bakit nasabi nila na ako pa mismo ang nagkakalat ng ikakapahiya ko."pailing-iling kong sabi.




Bago umuwi, pinatawag lahat ng students at teachers sa big hall para sa magaganap na activities next weekend.

"Okay Teachers, you need to teach them how to dance. Each group, may mga nakaassign na uri ng sayaw."pag-aanunsyo nang head teacher sa unahan.



Nang maibigay ang list ng students at teachers na magkakasama sa grupo ay nakaramdam ako ng pagkailang. Kasama ko kasi sa grupo si Harvey. Napatoka pa sa amin ang sayaw na slow dance.



Syempre, kada breaktime or free time ng mga teachers, nagmemeeting kami about sa sasayawin namin. "Si Teacher Biancs, magaling 'yan sumayaw este 'yung ex niya."pang-aasar pa ni Charisma. Sinimangutan ko ito kaya nanamihimik.


"Try natin ang kantang 'Can I Have This Dance' ng Highschool Musical."suggestion ng isa pang teacher.


"Oo nga, kasi medyo pang-teenager ang kanta."pagsang-ayon ni Harvey.

"Sige, 'yun na lang."pagpayag pa ng iba.


"Oh Bianca, tahimik ka yata? Okay ka lang ba?"tanong ni Harvey sa akin.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon