Vincent's POV
"Ilang buwan na rin matapos ang nangyari sa inyo ha. Ano nang plano mo, pare?"si James. Nakipagkita ako sa kanila after ng office hours para magkamustahan.
"Wala ka bang balak na pakasalan na si Bianca?"si Migs.
"Meron syempre. Pero gusto maging memorable ang magiging proposal ko sa kanya kung sakali."sabi ko saka ininom ang kape na inorder namin.
"Kailangan pa bang bonggahan, pare? May anak na kayo at nagsasama na kayo sa iisang bahay."si James na lagi na lang panira sa ganda ng usapan.
"Hindi porket ganito na ang sitwasyon namin, hindi ko na gagawing espesyal ang proposal ko sa kanya. Syempre, gusto ko din na maranasan niya ang mga naexperience nina Myan at Oshin kina Stanley at Garren."
"So, kakantahan mo siya?"si Migs.
"Gusto ko ng kakaibang proposal. Kasi sina Stanley at Garren, kinantahan mga asawa nila noong nagpropose sila."suhestyon ko.
"I have an idea, pare. Di ba dance group tayo. Uso ngayon yung FLASH MOB."si James.
"Ano 'yung Flash mob?"sabay naming tanong ni Migs dito.
"Yun ang tawag sa proposal na idinadaan sa sayaw."
"Sigurado ka ba d'yan, James?"
"Subukan n'yong isearch o panoorin sa Youtube ang proposal na ginawa ni John Prats kay Isabel Oli. Flash mob ang tawag dun."
Agad kong kinuha ang phone ko saka nagpunta sa site na Youtube para mapanood ang sinasabi ng kumag kong kaibigan. Nang mahanap ko ang video ay agad naming pinanood ni Migs ang sinasabi ni James na Flash mob.
"Hanep ka, bro. Dalasan mo paggamit sa utak mo ha."si Migs matapos batukan si James.
"Naniwala na ba kayo sa akin?"pagmamalaki pa ni James.
"Oo na!"bulyaw ko. "Saan tayo hahanap ng mga taong marunong sumayaw para sabayan ako?"tanong ko.
"Syempre, kasama kami ni Migs d'yan."si James.
"Anong—? E bakit nandadamay ka pa?"reklamo ni Migs.
"Syempre, magkakasama tayo sa dance troop noon. Tatawagan ko na rin sina Eman, Jeric at Cris para sa gagawin natin."si James.
"Sige na nga. Basta para sayo Vincent. Malakas ka sa akin e."Si Migs.
"Ayun, salamat."
"Magpapaalam muna kami sa aming komander ha."si James.
"Langya ka. Akala ko pa naman okay na."natatawa kong sabi dito.
"Papayag 'yun."si James.
"Siya nga pala. Kulang kung tayo lang ang sasayaw." Napaisip kasi ako. Aanim lang kami.
"No problem. Aanyayahan ko mga estudyante ni Yna."si Migs. Si Yna ang asawa ni Migs na nagmamay-ari ng isang school kung saan tungkol sa sayaw ang itinuturo. "Marami kasi ang nasa dance class niya ngayon. Marami din nag-enroll for a one month workshop para mamaster ang iba pang genre ng sayaw."dagdag pa ni Migs.
"Good idea. Ichecheck ko lang mga sched ko. Then, I'll call you kung paano magiging set-up natin at kung saan ang magiging venue ng proposal ko."excited kong sabi.
"Sige, pare."
"Aasahan ko kayo ha."
——————————————
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
General FictionWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...