Stained Glass Windows

167 8 20
                                    

Apat na maskuladong lalaki ang nakatayo kaharap si Reed. Matuwid ang kanilang tindig, at ni isang galaw ay walang nakikita. Nakasuot sila ng itim na terno na halos katulad ng mga gwardya na makikita sa mga pang-amerikanong palabas na pinaresan ng itim na shades at isang kakaibang device na inilalagay sa mga taenga. Kasama ni Reed si Edison na isa-isang kinapkapan ang mga bulsa ng mga gwardya, naghahanap ng baril na ipapaputok sa utak niya. Mabuti na lang at sinabihan sila ni Reed na iwan ang lahat sa loob ng sasakyan dahil mas ligtas pa ang di magdala ng armas kaysa sa dalhin ito at mamatay ang binatang tinitignan ang mga bulsa nila.

Kasama rin nila ang magandang sekretarya ni Principal. May suot itong puting blusa na pinatungan ng itim na blazer. Itim rin na pencil ang ipinares niya sa kanyang pangitaas na bumagay naman sa balingkinitan niyang katawan. Mahaba ang buhok ng sekretarya, may mapupungay na mga mata, matangos na ilong, at mala-gatas na kulay ng balat. Wala itong masyadong suot na kolorete dahil sa maganda na siya sa natural na paraan. Maaamoy ang mala-ploral na pabango nito na kumakalat sa hangin lalong-lalo na kung siya ay gumagalaw. Ngumiti si Reed na binati ang magandang Sekretarya.

"I'm Jared McIntosh," inabot niya ang kamay niya at nakipagkamay sa sekretarya. "Nice to meet your aquaintance."

"Amijan Pandaraoan," ngiti ng sekratarya. "It's also a pleasure to get business with you."

"I am really greatful for your cooperation. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi niyo talaga siya tatanggapin," sabi ni Reed na binitawan na ang kamay ni Amijan. "Well, what are we doing next?"

"According to the usual SOP, I will be telling you about all the rules in this school. As what you can see, this is not an ordinary school where you can easily loiter around. Sensitibo ang mga taong nasa lugar na ito kaya kailangan ang matinding pag-iingat," paliwanag ni Amijan na naglakad na paabante. "Then, shall we?"

Pinangunahan ni Amijan ang paglalakad sa malawak na pasilyo na dumurugtong mula sa opisina ni Principal papunta sa mas malaking pasilyo na pormang pabilog na may mga daanan sa bawat sulok na papunta sa kahit anong parte ng gusali. Dinaanan nila ang sahig na gawa sa pinakintab na marmol na nilagyan ng disenyo ng isang compass na may apat na malalaking palasong-panturo at apat na may kaliitan sa bawat pagitan. Posteng Corinthian naman ang sumusuporta sa mala-simboryong atip na may nakapintang fresco ng mga batang anghel na nakasilip sa mga ulap. May nakasabit na aranya na gawa sa kumukulay na salamin na humahawak sa isangdaang bombilya sa pinakagitna. Dahan dahan itong gumagalaw dahil na rin sa umiihip na hangin.

Pinagmasdan ni Edison ang magandang estraktura na inikot pa niya ng tingin mula sa sahig papunta sa mga pader at paitaas sa aranya. Hindi man maipakita sa salita pero sapat na sa ekspresyon ng kanyang mga mata ang pagkamangha sa mga nakikita. Nakasunod lamang sa kanya si Reed na hawak hawak parin ang kadenang de-posas na isinabit sa binata. Mas pinilit niyang pagmasdan si Edison kaysa ang kagandahan ng lugar. Hindi mo alam na sobrang nakakabulag na kagandahan nakatago ang isang maitim na sekreto

Tama, isip ni Reed. Ang kagandahan ng lugar na ito ay takip lamang sa katotohanang lahat ng mga taong nandito ay may mga kadiliman sa kanilang mga sarili. Ang takot na unti-unting lumalaki...

Gumalaw ang kadena na hinihila si Reed. Pilit na pinupuntahan ni Edison ang mga naglalakihang mga bintana na gawa sa makukulay na mga salamin. Naalala ni Reed ang magandang tinted glasses sa Sistine Chapel na pinuntahan nila noon. Ang kaibahan lamang ay ang mga bintanang ito ay sadyang napabayaan na halos natakpan ang mga salamin ng mga lumot na dala na rin ng basa ng ulan. Hindi pinayagan ni Reed na matupad ang gusto ni Edison, imbes, pumunta siya sa tabi ni Amijan na tumigil rin sa paglalakad dahil sa paghihintay sa kanila. Dinala sila ng sekretarya sa panibagong daanan papunta sa kung saan.

"The first thing that you guys must know is the ranks," ani ni Amijan. Pumunta siya sa isang malaking pader na kung saan nakalagay ang isang malagintong bakal na nakadikit. May mga salitang nakasulat rito, sinasabi ang mga batas na dapat sundin ng mga estudyante. Humarap sa kanila si Amijan habang tinuturo ang mga salita.

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now