"Nakikita ko sila. Nasa food court ako ngayon."
[Sige, gawin mo ang inutos ko sa iyo. Siguraduhin mong hindi sila makakapaglaro sa araw na ito]
Hindi na niya sinagot pa ang utos at napatango. Naputol na ang tawag sa linya na naging hudyat na kailangan na niyang lumakad. Inayos niya ang sarili niya na tinanggal ang bahid ng kasamaan at pinalitan ng isang maamong pagmumukha. Isinuot niya ang bilugang salamin sa mata sabay ayos sa praktisadong mga ngiti sa labi.
Inalis niya ang isang nakatabon na headphone mula sa tainga niya at kinuha ang telepono sa bulsa. Nagkunyari siyang pumipili ng kanta at pumunta sa panaderya. Katabi niya ang dalawang kalalakihan na may pinag-uusapan. Tinignan niya kung ano ang ginagawa nila at binantayan ang bawat kilos.
Ang lalaking may suot na black sleeve na pang-itaas at mahabang pantalon na itim rin ang kulay ay bumili ng dalawang pares ng tinapay. Hindi ito napansin ng naunang lalaki na naglakad na papunta sa susunod na tindahan. Tahimik niya itong pinagmasdan na nag-iisip kung paano niya gagawing baldado ang lalaking ito sa isang araw.
"Ano po ang order niyo?" Tanong ng matandang lalaki na may totoong ngiti sa likod ng kanyang mga paninda. Ngumiti rin siya sabay kunyaring seryosong tingin sa mga tinapay.
"Alin po ba rito ang..."
Normal na nakipag-usap siya sa nagtitinda habang hindi inaalis ang mga tingin sa dalawang binata na ngayon ay may nabili nang pagkain at naghahanap na ng mga upuan. Sakto, isang grupo ng mga manlalaro ang nag-imbita sa kanila na makisabay sa hapag. Lumalim ang kanyang mga ngiti na nagsasaad ng kagalakan sa nakita.
"Mas maganda, dalawang grupo ang mawawala sa pagkakataon na ito," sabi niya sa sarili.
Tinapos na niya ang usapan at naghanap ng pwesto. Pinili niya ang dalawang upuan mula sa pinaguukupahan nila at doon ay tahimik na nagmasid. Umupo siya na nakatalikod sa kanila para hindi halata ang pagmamatyag niya. Naghintay muna siya at nakinig ng mga impormasyon na pwedeng gamitin kung sakaling kakailanganin ito.
"Guessing game? Ano naman ang huhulaan namin?" Tanong ni Janice.
"Hmmm..." Kunyaring nag-iisip si Edison pero alam na ni Christian ang litanya niya. Siyempre, ginawa niya ito sa kanila. Ano pa nga ba ang pinagkaiba?
"All you have to do is to guess my Phobia," saad ni Edison.
"Huhulaan namin ang Phobia mo?" Nagtinginan ang mga kababaihan na nalito sa sinabi ni Edison.
"Oo, at kung sino man ang makakahula nito ay may karampatang premyo," dagdag ni Edison.
Nag-iisip ang mga kababaihan sa sinabing laro ni Edison. Ngumiti lamang si Madam Q na napagdesisyunang huwag nang makisali at makinig sa laro ng kabataan. Masaya na siyang makakita ng mga bata na natutuwa sa mga ganitong laro.
"Huhulaan niyo ang Phobia ko at bibigyan ko kayo ng isang daang milyong dolyar!"
Halos maluwa ng lahat ang mga kinakain nila nang marinig ang premyo. Kahit siya na nakikinig lang ay nabilaukan sa narinig. Seryoso ba siya? Isang daang milyong dolyar sa makakahula sa Phobia niya? Nagbibiro ba siya?
"Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Janice na tinulak ng tubig ang bumarang pagkain sa lalamunan. "One hundred million dollars? Saan mo naman kukunin ang pera na iyon? Hindi ba masyadong malaki ang premyo para sa isang simpleng laro na ito."
"I think for a reality to be acknowledged, one should pay a price. And I am not joking. Kung akala niyong hindi ko maibibigay ang pera na sinasabi ko..." Kinuha ni Edison ang telepono niya at binuksan ang isang app na nagsa-saad ng laman ng kanyang account. Ipinakita niya ito sa grupo na itinatago ang mga pribadong impormasyon.
YOU ARE READING
School Of Phobia
غموض / إثارةWelcome to the place where your fears are taken good care of.