Hot Chocolate and Mallows

85 8 3
                                    

Madilim na nang muling magising si Edison. Nakatulog siya nang makaramdam ng pagkahilo at namahinga. Natulog siya ng ilang oras at ngayon ay gising na gising sa ilalim ng gabi. Wala na siyang pag-asang makatulog uli kaya pinili na lang niyang buksan ang mga mga mata habang pinagmamasdan ang madilim na kisame. Nagtagal siya ng ilang minuto habang iniisip ang sariling sitwasyon bago iginalaw ang katawan.

Malambot ang unan na hinihigaan ng kanyang ulo, pati ang kamang kinalalagyan ng kanyang katawan. Mainit ang kumot na nakatabon sa kanya laban sa malamig na gabi. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at nakita ang bagong lagay na benda na may tuyo pang dugo na makikita. Hindi pa man niya ito tinatanggal pero alam niyang may bagong tahi na naman siyang natanggap. Mga tropeyong natanggap mula sa pagkabigo...

Iginalaw niya ang kanyang mga paa nang nakaramdam siya ng kakaiba. Mabilis niyang inalis ang kumot para mailahad ang mga paang walang kadenang nakalagay. Nagtaka siya, pati ang mga kamay niya ay walang posas na nakatali. Umupo siya mula sa pagkakahiga at inilapit ang mga paa sa sarili. Hinimas niya ang kanyang bukung-bukong na may markang naiwan mula sa kadenang matagal na nanatili. Kulay pula ito na bumaon sa maputla niyang balat. Hindi niya naigagalaw ang sarili ng malaya dahil sa malaking bola na nakadugtong sa kadena kaya natuwa siya ng maramdaman ang gaan ng mga paa.

Napalingon siya sa kanyang likuran nang biglang magliwanag ang buwan nang lumampas ang panggabing mga ulap. Isang malaking bintana ang nakalagay sa itaas ng kanyang uluhan na nagpapakita sa tanawin na nasa labasan. Madilim na ang gabi, at ito ang naging gabay para mas makita niya ng malinaw ang malaking bilog na buwan at mga bituin sa paligid nito. Kuminang ang kanyang mga mata. Hindi niya akalaing makikita niya rin ang parehong tanawin kahit nasa ibaba lamang siya ng lupa. Sa katunayan, mas maganda pa ito ngayon na mukhang mas malapit sa kanya.

"I know that you love the moon so much so I chose a room where the bed is closest to the window," isang boses ang biglang nagsalita mula sa dulo ng kwarto.

Tinignan siya ni Edison; isang lalaki ang nakaupo sa isang silyang dumuduyan. Katabi ng silya ang isang munting aparador na kung saan nakalagay ang isang maliit na lampara na may madilim na liwanag. Nakaupo lang doon si Reed habang nakapang-apat ang mga binti, nakasandig sa likuran ng upuan, habang nagbabasa ng isang maliit na libro gamit ang liwanag sa lampara. Hindi ito nakatingin sa kanya pero randam nito ang mga galaw ng nag-iisang tao sa kwarto. Inilipat nito ang pahina, naghihintay ng kahit anong sasabihin ng binata.

"Yup, the second most beautiful thing next to my mother," sang-ayon ni Edison na ibinalik ang tingin sa liwanag ng buwan.

Si Reed naman ngayon ang nanonood sa kanya. Sa kanyang mga mata tila isang kaluluwa ang katawan ng binata na hinihila ng buwan paitaas. Pumantay ang maputla nitong balat sa sinag ng buwan sa hanggang tumatagal ay nawawala. Ibinaba ni Reed ang librong binabasa at tumayo. Pumunta siya sa malaking kabinet at kumuha ng isang botelya ng tubig at mga gamot. Lumapit siya kay Edison at ipinakita ang limang mapupulang tabletas.

"Maraming dugo ang nawala sa iyo kaya eto. Utos ni Louella na inumin mo ito sa hanggang mamula ang balat mo," sabi ni Reed.

"Alam mo namang hindi mangyayari iyon," sambit ni Edison na kinuha ang limang tabletas. Pero hindi niya kinuha ang tubig na ibinigay sa kanya dahil sa nginuya niya lang ito at nilunok. Napabuntong hininga na lang si Reed na ibinalik ang botelya ng tubig sa lalagyan. Isinara na niya ang kabinet nang muling magsalita si Edison.

"Sa tingin mo ba tama ang ginawa ko?" Tanong ni Edison. Pero hindi siya nakatingin kay Reed - tila ba nagtatanong siya sa hangin, sa langit, sa paligid. Tinuwid ni Reed ang tayo niya at hinarap si Edison kahit na nakatalikod ito sa kanya.

"Ang laro ba ang tinutukoy mo?"

Hindi sumagot si Edison. Hindi niya inaasahang sasagot ang hangin, ang langit, ang paligid - kundi si Reed lamang. Bumalik sa kanya ang ala-ala tungkol sa pustahan. Naririnig niya ang sariling boses na nagsasalita, binibitawan ang mga pangungusap. Nakikinig ang lahat sa kanya na nagulat sa kanyang pinagsasabi.

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now