"Yes sir... okay sir... no problem..."
Ibinaba na ni Reed ang telepono. Napabuntong hininga siya nang mabasa kung sino ang tumuwag, at ibinulsa ito bago tinignan ang bintana. Madilim na, marahil mga alas otso na ng gabi. Napuno na ang kalsada ng mga makukulay na liwanag mula sa mga gusaling pinalamutian ng mga ilaw. Unti-unti na ring humuhupa ang traffic na namuo sa mga super high way.
"So, what did he say?" Tanong ng isang boses.
Isang buntong hininga ang muli niyang binitawan. Nag-iba ang nakikita niya sa bintana na ngayon ay ang replekyon ng kwarto ang maaaninag. Makikita sa bintana ang mga naglalakihang mga kama kasama ang mga magagarang kagamitan. Dalawang binata ang naka-upo sa isang kama na may nilalarong mga baraha.
"Sino ang tumawag? Ang nagluwal sa'yo?" Tanong ni Christian na kumuha ng baraha mula sa deck. Tinignan niya ito at naghanap ng kapareho sa mga baraha na nasa kamay niya at naghagis sa mga nakalatag.
"Huh? The last time I checked men can't get pregnant," sabat ni Edison na kumuha rin ng baraha mula sa deck at tinignan ang mga baraha na nasa kamay. Naghagis rin siya ng ilang pares.
"Talaga? Nasaan ang sinasabi mong gender equality doon? Hindi ba dapat lahat may kakayahan na magdala ng anak?" Kumuha ng baraha si Christian at naghagis uli ng isang pares.
"Kung may posibilidad na mangyari iyan siguro magkakaintindihan ang lahat. Tama, kung pantay pantay lang talaga ang lahat siguro magkakaintindihan tayo. Well, as for now, getting a man pregnant is still impossible. Kahit nga ang teknolohiya ngayon ay magagawa iyan pero malaki ang tyansa na lumaking hindi normal ang bata," kumuha ng baraha si Edison at naghagis ng baraha.
"Ah, nabasa ko na iyan. Oo nga pala, hindi ba doktora si Louella? Nagawa na ba niyang gumawa ng test tube babies? O ' yung baguhin ang isang bagay sa parte ng katawan ng tao," naghagis uli ng baraha si Christian.
"Nasa surgery nakabase si Ate Louella. Pero narinig kong nagawa na niyang mag-labor. Sa katunayan siya ang tinatawag kung mapanganib ang panganganak na mangyayari. Pero ang usapin tungkol sa test tube babies... wala pa akong naririnig na ganoong mga salita sa kanya," kumuha ng baraha si Edison. Pero hindi siya nagtapon ng baraha sa mga nakalatag.
"Ah, sayang naman. Mas maganda siguro kung tanungin mo siya. Kasi paano mo magagawang magkaroon ng anak-"
Biglang hinampas ni Edison ang hawak niyang baraha sa mukha ni Christian. Nagulat ang lahat sa biglaang pagtayo ni Edison. Kahit nga sina Elias at Jeremy na nag-uusap tungkol sa school papers na nasa tabi ay napatingin sa dalawang naglalaro. Hindi naman makagalaw si Christian na hindi nagustuhan ang hampas ng baraha sa mukha niya.
"Ikaw, ano ba ang problema mo?" Agad sinunggaban ni Christian ang kwelyo ni Edison.
YOU ARE READING
School Of Phobia
Mystery / ThrillerWelcome to the place where your fears are taken good care of.