A Bit of Trust and Speed

45 7 2
                                    

"Calling the attention of the participants for Speed Shooting, please proceed to the Arena right now. Repeat, calling the attention of the participants for the Speed Shooting, please proceed to the Arena right now..."

Napatingin ang lahat sa speaker na nasa dulo ng kwarto. Tinatawag na ang mga manlalaro sa entablado. Malaki ang ngisi ni Edison na patalon na tumayo samantalang itinigil ni Christian ang paglalaro sa PSP. Naglakad na sila palabas ng kwarto kasama sina Elias at Reed na sumusunod sa kanilang tabi. Nandoon rin ang iilang gwardya ni Edison na nagbabantay sa paligid niya.

"The first game is Speed Shooting," ani ni Elias.

Hawak hawak niya ang papel na nagsasaad sa nasabing laro na gagawin nila sa araw na ito. Tatlo hanggang limang araw silang magtatagal sa lugar na ito. At bawat araw ay may nasabing laro na paglalaruan. Nabasa na ng lahat ang nasabing papel pero inulit lamang ni Elias para makita na alam na ng dalawang kalahok ang kanilang gagawin.

"Speed Shooting is a game where the players need to hit a skeet ball that has a speed of fourty kilometers per hour. Each round, five hundred skeets will be released and the players should hit at least half of the said number. Five minutes will be given on each player."

Gaano ba kabilis ang Fourty Kilometers per hour? Sa loob ng isang segundo, kayang lumipad ng skeet sa bilis na labing-isang metro. Mabagal lamang ito kung titignan sa malayong perpektibo. Pero para sa larong ito na kung saan malapitan ang pagtira, mabilis na ang apatnapung kilometro kada oras para mahuli ng mga mata. Mag-iiba ang usapan kung sanay ang mga manlalaro sa target shooting habang gumagalaw ang target.

"Hmmm? Matatamaan niyo kaya ang bilis nito?" Tanong ni Elias sa dalawa.

Nakita lamang niyang nakipag-away ang dalawa sa bunong-braso. Pero hindi pa niya nakitang gumamit ng baril ang dalawa. Maliban sa baril na ginamit ni Christian na naging dahilan kung bakit nandirito sila ngayon.

"Don't worry, if it's my will to win, we will win," sambit ni Edison. "Bigyan mo lang ako ng numero kung ilan ang tatamaan ko at iyon ang gagawin ko."

"Mukhang ang laki ng tiwala mo sa sarili," singhal ni Elias na halos hindi mapantayan ang kahabugan na ipinakita ni Edison.

"I'm a dog who bites," ngisi ng binata. "I'll do the effort of playing and everyone will bow down to me."

"Said the person who only played FPS games (First Person Shooter)," sabat ni Christian.

"FPS?" Tanong ni Elias.

"You didn't know?" Sabi ni Christian. "Well, it's a shooting game in consoles. Bale iyan ang nakikita mong shooting games sa arcade at sa computer."

Then meaning Edison has no experience with a gun. Tinignan ni Elias ang mayabang na bata. Napakibit balikat si Edison na ipinapakita na hindi naapektuhan sa komentong ibinigay ni Christian.

"Humor me," ngisi ni Edison. "Alangan naman hahayaan nila akong humawak ng baril."

Sabay napatingin sina Elias at Christian kay Reed. Sumang-ayon sila kay Edison sabay isip na hindi pala pwedeng humawak ng baril si Edison. Lalong lalo na walang takot niya itong ipuputok sa ulo niya. At mukhang hindi nga gusto ni Reed na ipahawak kay Edison ang baril na gagamitin sa laro na ito dahil mapanganib. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod na lang.

Ipinagpatuloy ni Elias ang pagbabasa.

"Each team is allowed to have six players all through out the game, however, only four participants will play a single game. Once defeated, the player will be eliminated to the whole events and one of the two reserve players will be playing in exchange..."

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now