Rights Of A Shadow

74 6 11
                                    

Maganda ang araw ayon sa balita. May panaka-nakang pag-ulan pero hindi naman dapat ika-alarma. Pinayuhan na magdala ng payong para panangga sa mainit na sikat ng araw at uminom ng isang litrong tubig. Mataas ang heat index kaya mas magandang manatili lamang sa loob ng bahay o pumunta sa malamig na lugar. Pagkatapos ng weather report bumalik na sa balitang pampulitiko ang usapan. Nangunguna rito ang tungkol sa isang opisyal ng gobyerno na nagnakaw ng pera mula sa kaban ng bayan...

Tinanggal na ni Edison ang Ear Phones mula sa kanyang taenga at ibinigay ito kay Reed na nakalahad ang kamay para tanggapin ito. Hinawi niya ang kanyang buhok na mas lalong gumulo dahil sa hindi nagsuklay pagkatapos magpatuyo. Nasa harapan niya si Elias, dala dala ang class record na isinabit sa leeg habang hinahawakan ng kaliwang kamay, samantalang nakatago naman sa bulsa ang kanan. Sinusundan nila ang guro sa hanggang huminto ito sa harapan ng isang pintuan.

Malakas niyang binuksan ang pinto na nagpagulat sa mga batang nasa loob. Inutusan niya silang bumalik sa kanilang mga upuan na agad namang sumunod. Pinanood ng lahat ang guro na pumasok kagaya ng mga araw na pumapasok ito sa kanilang klase. Ang kakaiba lang sa pagkakataong ito ay may kasama siyang isang binata na tumabi sa kanya sa harapan.

"Class, I would like you to meet Edison Greendale," sabi ni Elias.

Humarap sa kanila ang binatang pinakilala ng kanilang guro. Agad nilang napansin ang kasuotan nitong hindi sumunod sa unipormeng itinalaga ng paaralan. Kulay itim ang suot nitong pang itaas na may pabilog na kwelyo at mahabang manggas na lumalampas sa kanyang kamay pero dahil sa garter ay nanatili ito sa dulo ng kanyang pulso. Wala itong ibang disenyo maliban sa malalaking mga salitang 'PSYCHO PATH' na nakatalaga sa isang kahon na nasa pinakagitna makikita. Maitim rin ang slacks na ipinares dito, at maitim na tai-chi shoes naman sa paa. Itim ang halos makikita sa kanya na kabaliktaran naman sa mala-gatas na kulay ng kanyang balat. Magulo ang may kahabaang buhok na natatabunan ang kalahati sa kanyang mga mata. Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa lahat.

"Good Morning, I am Edison Greendale. You can call me Ed, Eddy, Edison, whatever you like. I'm already 17 years old, Born on June 25; I'm one-eight korean, one-eight Spanish, one-fourth English, A little bit Polish, and a half Filipino. My family's main house resides in California but for some classified events I am here in the Philippines and is living with my relatives. My hobbies are playing computer games, swimming, instrument playing, and reading books. I don't have any talents that I can show you but I know I can draw, sing, and dance if I wanted to. My favorite colour is black and..." Mabilis na pakilala ni Edison sa kanyang sarili na hinanda pa niya sa tulong ni Reed gamit ang isang site online tungkol sa kung paano magpapakilala sa klase. Pinutol na ni Elias ang iba pa niyang sasabihin dahil baka maubos pa ang oras sa pagpapakilala.

"It's already okay. You only have to state your name and age. No need to go further," sabi ni Elias na naglakad na papunta sa kanyang mesa na nasa may gilid ng kwarto sa ibaba ng platform. Nanatiling nakatayo si Edison na inikot ng tingin ang mga kaklase. Iba't ibang reaksyon ang nakikita niya - may natatakot at nagulat. Siyempre, pagkatapos ng panggugulong naggawa niya nung nakaraang linggo, malabong hindi kumalat ang balita at makilala siya ng lahat. Nagbigay lamang ito ng kakaibang sigla sa loob ni Edison.

"Magandang araw!" Bati uli ni Edison na nagpatalon sa mga kaklase niya mula sa kanilang mga upuan. "Natatakot ba kayo sa akin? Mas nakakatakot pa ba ako sa mga bagay na kinatatakutan niyo?"

Walang sumagot. Hindi rin naman niya inasahan na may sasagot. Hindi pinansin ni Elias ang ginawa ni Edison na umupo muna at tinignan ang ituturo niya sa klase. Nagpatuloy si Edison.

"I have a proposition to tell, my dear classmates. Are you up to a game?" Tinanong ni Edison ang lahat. Walang imik ang mga batang takot na makipaglaro kay Edison. "Don't worry, this is not harmful. Sa katunayan pa nga eh napakaganda ng laro na ito. Tanungin niyo pa ang guro natin dahil kasali siya sa larong ito."

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now