Coffee and Bagels

35 5 0
                                    

Maaga pa lang pero makikita na sa mukha ni Elias na sirang-sira na ang araw niya. Suot suot ang isang panibagong damit na may kakaibang ayos at kulay, walang pag-aalinlangan na nilakad niya ang kalsada na punong puno ng mga tao. Tinginan ang lahat sa isang lalaking may nakakatawang damit para sa panahon na ito, at may iba pa na kumukuha ng litrato. Hindi na sila pinansin ni Elias na inayos ang kwelyo ng nasabing damit.

"At least pretend that you are happy," ani ni Jeremy na nasa tabi lang niya.

Simple lang ang suot ng punongguro. Isang pares ng puting polo at itim na slacks, ito na naman ang pormahang aakalain mong estudyante pa pero namamahala na ng isang eskwelahan. May bitbit siyang inumin na binili niya sa coffee shop na dinaanan nila. Kasama nito ang isang supot ng maalat na tinapay at iilang pagkain na ibibigay niya sa iba pagdating nila sa venue.

"Pero sinabi niya na alam niya ang Phobia ni Edison. Hindi ba isang malaking rebelasyon iyon?" Tanong ni Elias na ngayon ay ginugulo na ang buhok niya.

"I admit, I was shocked at first. Pero kung iisipin mong mabuti, malabong hindi malaman ni Quintieri ang phobia ni Greendale, o kung mayroon ba talaga siya. Hindi ako sigurado pero may hinala ako. His phobia is related to Greendale's," sabi ni Principal.

Napasok sa paaralan nila si Christian dahil sa Phobia nito sa pagtitiwala. Nakuha nila ang diagnosis nito at nasabing nakapasok siya na walang problema. Kinuha ni Elias ang pwede naging dahilan sa phobia, o kung ano man ang naging trigger nito. Ayon sa impormasyon na nakalap niya, ito ay nagsimula sa isang pangyayari na naganap ilang taon na ang nakakalipas. Hindi pa alam ni Elias kung ano ang nangyari dahil hindi naman sinasabi ni Christian ang lahat.

Well, he's not really trusting people. Kaya malabong makakuha ng impormasyon galing mismo sa taong nakaranas nito. And Elias understand it well. He has the same experience and the same Phobia. Alam na alam niya ang pakiramdam ng pagsisinungaling matago lamang ang tama.

"Nalaman ko mula kay Jared na magkakilala pala ang dalawa simula pa noong una. Marahil dahil sa magkaibigan ang mga ama nila," saad ni Elias. "Pero hindi nito napapaliwanag ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng Phobia."

"Of course they are hiding it as a secret. Actually, everyone does. Kailangan lang natin mahanap ang tamang tiyempo para makuha ito sa kanila. Kahit papaano ay matalino ang dalawang iyon. Oo nga at may pagka-pilyo pero marahil ginagawa nila ito dahil gusto nilang may makapansin sa kanila."

"But what do you think, Jeremy? Kung maniniwala tayo sa sinabi ni Christian, ibig sabihin ba nito tatanggapin mo na ang full admittance ni Edison sa eskwelahan?"

"I'm not sure. Alam mo naman kung ano ang laro nilalaro natin. We have to guess his Phobia. At sa hanggang hindi pa natin nahuhulaan ito, kahit na nalaman na nating mayroon nga, malaki ang posibilidad na aalis at aalis pa rin siya."

"Argh!" Nabaliw na si Elias na pinaggugulo na ang ulo niya. "Sila talaga ang dahilan kung bakit laging sumasakit ang ulo ko!"

Napatawa na lamang si Jeremy sa naging reaksyon ng guro. Dumating na sila sa venue. Sa entrance pa lang makikita na ang mga reporters na handang-handa nang i-coverage ang mangyayaring laro sa araw na ito. Kahapon, sa isang daanan sila dumaan kaya hindi nila namalayan na ganito pala kagulo ang labas.

Dumugtong ang dalawang guro sa isang mahabang linya. Kumakain pa rin si Jeremy at kinuha naman ni Elias ang parte niya. Sa katagalan nila sa linya, napansin ni Jeremy ang kakaibang rami ng mga gwardya na nagbabantay sa paligid. Hindi ito ang mga gwardya na bitbit ni Edison dahil makikilala niya ito sa ibang uniporme na suot nila. Ang mga gwardyang ito ay mukhang galing sa pulisya.

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now