A Race Won By Walking

105 7 8
                                    

"Nangunguna sa unang pwesto ay ang Red Falcons!"

Mabilis ang pagtawid ng mga manlalaro mula sa simula at ngayon ay papalapit na sa unang hati. Ang gagawin ng mga manlalaro kapag narating ang base ay bumunot ng katanungan mula sa isang kahon na nakalagay sa isang lamesa. Mula sa kahon ay limang katanungan. Ang bawat katanungan ay may sariling kahirapan. Sasabihin ng manlalaro ang sagot at kokompermahin ng mga gurong nagbabantay sa lugar kung tama ba ito o mali.

Kung tama, sesenyasan ng guro ang kasunod na manlalaro na magsimulang tumakbo. Ang bawat tanong na masasagutan ng tama ay magbabawas ng sampung segundong oras na natala ng grupo. Samantalang ang bawat maling sagot ay magdadagdag ng sampu. Sa unang tanong na makukuha ng manlalaro, ilan kaya sa kanila ang makakakuha ng tamang sagot?

Unang nakarating ang kababaihan ng Red Falcons. Agad bumunot ng katanungan ang manlalaro. Sumunod naman sa kanila ay ang mga manlalaro mula sa Armstrong Academy. Mula sa pagkakapanalo nila sa nakaraang taon, inasahan na sila ang mangunguna sa larong ito. Pero ito ay nag-iba nang pumasok ang pang-apat na eskwelahan sa unang pagkakataon.

Huling nakarating sa base si Christian. Makikita sa maluwag niyang pagtakbo na hindi siya nag-aalala sa nakuhang pwesto. Pagdating niya sa base ay s'yang pagtakbo ng pangalawang manlalaro mula sa Armstrong Academy. Maingat na binunot ni Christian ang kanyang katanungan na isang beses lang niya tinignan bago itinapon ang sagot.

Halos nagkagulo ang hiyawan nang makitang unang naka-alis sa unang base si Christian na nagpatuloy sa pagtakbo. Ang dalawang eskwelahan na nakita siyang umalis ay hindi makapaniwala sa nakita. Sabay na nasagutan ng huling mga manlalaro ang sagot at pinatakbo na ang mga kanilang pangalawang manlalaro.

Nilapitan ni Janice ang base na kung saan dumaan si Christian at nagtanong sa guro kung ano ang tanong nito. Ipinakita ng guro ang tanong na s'yang nagpagulat sa tatlong manlalaro na nanatili. Tunay na isang tingin lamang ang kailangan para masagutan ang katanungan na ito: [What is the square root of four hundred?]

Halos napamura sila sa swerte ni Christian. Ano ba naman at simpleng arithmetic lamang ang napunta sa kanya. Samantalang sa kanila ay mga tanong na may kinalaman sa mga pangalan ng mga bituin o meterolohiya. Kahit si Janice na simpleng contellation lang ang tinanong ay nag-isip kung alin sa dose-dosenang konstelasyon ang tinatanong.

Napahikab lang si Edison na walang paki-alam sa magiging pwesto ni Christian. Mauna man ito o mahuli, nasa kanya ang desisyon kung mananalo ba sila sa karerang ito o hindi. Sinilip niya ang kanyang mga kasamahan sa bawat gilid. Kilala na niya si Alea na nakasabay niyang kumain ng agahan. Binigyan siya nito ng ngiti bilang pagbati. Ngumiti lang rin si Edison na ibinalik ang bati.

Lumingon naman siya sa kanyang kabilang tabi at natagpuan ang dalawang kalalakihan sa kanilang mga pwesto. Ang nasa pinakadulo ay mula sa Lutos Craft, at ang pinakamalapit ay mula sa Armstrong Academy. Parehong matikas ang dalawa na masasabing mas may laman sa balingkinitan na katawan ni Edison. Kumaway sa kanila si Edison pero inirapan lamang siya.

Napabungisngis lamang si Edison. Ano pa nga ba at itong binata lamang na ito ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa isang laro. Kung ibababa nila ang kanilang mga kalasag ay baka marurupok lamang sila at matatalo sa larong ito.

Tinignan ni Edison ang kaniyang harapan at di na nagulat nang makitang nauuna si Christian sa kanina ay galing sa huling pwesto. Nakamamahanga ang tibay niya sa pagtakbo na mula sa simula ay hindi nagpahinga. Mabilis rin ang pagsagot niya sa katanungan na nagbigay ng mas mabilis na panahon sa kanya para mauna sa lahat.

At isa pa doon, kilala si Christian bilang pinakamabilis sa pagtakbo. Para sa isang duwag mula pagkabata, ang pagtakbo mula sa kanyang kinakatakutan ang kanyang mabisang lunas sa pagharap sa lahat ng tao.

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now