Some Military Games for Fun

57 9 0
                                    


Tanaw na tanaw ang buong stadium sa lugar na kung saan sila ngayon ay nakatayo. Sinilip ni reed sa malaking salaming bintana ang buong lugar na kung itatansya niya ay ilang ektarya ang laki. May mga taong naghahanda na sa malawak na feild na inilalagay ang mga gagamitin sa unang laro na lalaruin nila. Lumingon siya sa likod at nakita ang dalawang binata na nakaupo sa iilang mga upuan na nakalagay. Parehong may hawak hawak na gadjets ang dalawa.

"Mukhang napakalawak ng lugar na ito para pagdausan ng laro," sambit ni Reed.

"This is an ex-military base, what can you expect," sabi ni Edison. Ipinakita niya ang hawak na tablet kay Reed. Lumapit si Reed para kunin ito. Nakita niya ang mga litrato ng stadium na naka-anggulo sa kahit anong lugar. May mga sulat sa tabi ng litrato na isinasaad ang mga gampanin ng lugar. Nabasa niya na ginamit ang stadium na ito ng mga sundalo noon nang magkaroon ng giyera.

"A military base..." sambit ni Reed. Napalingon siya kay Christian na nilagatik ang dila.

"Tsk, they fooled us. I never thought that we will be playing in this feild," reklamo ni Christian na binilisan ang pagpindot sa hawak na PSP.

"Bakit, ano ba ang problema sa lugar na ito?" Tanong ni Reed.

"It's not the place, Reed. It's the competition," kinuha ni Edison ang tablet mula kay Reed. "This place is just a good venue for the games that requires military strength. Hindi ko inaasahan na seryosong labanan pala ito."

"And what did we do? We studied at the library instead of playing hard," dagdag ni Christian.

"Reed, what do you think is the reason why they need a feild like this? Hindi ba pwede na sa kahit anong host schools na lang i-held ang contest? But no, the games need to be in this feild."

Pilit na inisip ni Reed ang pwede maging dahilan. Isang bagay lang ang agad pumasok sa utak niya. Reed sharply spun his head towards the principal who is hanging right on the other row with Elias and Amijan. Kasama nila ang isa pang lalaki na si Luis. Galit na pumunta si Reed sa kanilang harapan na kinuha ang atensyon ng lahat.

"Why didn't you say anything about this?" Tanong ni Reed ng diretso kay Principal. "Bakit hindi mo sinabi na extreme sport pala ang larong ito."

"Huh?" Napataas kilay lang si Principal sa sinabi ni Reed.

"I though you said that this is just a brain and brawn competition kaya hinayan ko si Edison na makasali. Hindi ko inaasahan na talagang labanan ito sa pagitan ng mga kalahok. Paano kung may mangyari sa dalawa? Hindi sila nakapaghanda," reklamo ni Reed.

"Sir," pumasok si Luis sa usapan. "We make sure that this game is safe from harm. Wala pang aksidente na nangyayari sa larong ito."

"Hindi problema kung gaano kaligtas ang laro. Ang problema ay ang maglalaro. Edison is not ready for this. Baka may mangyari sa kanya sa gitna ng laro."

"That's why it's a punishment, McIntosh," sabat ni Principal. May kalaliman ang boses niya na para bang nagbabanta. "They did something crazy so I gave them something crazy. Pangbawi lang ito sa ginawa nilang kalokohan."

"Paano kung bigla na lang silang masaktan? Hindi mo sinabi sa kanila kung ano ang gagawin nila. Hindi nila naihanda ang katawan nila."

"I also felt that when I accepted him to the school," sabi ni Principal. Matalas ang paningin nito kay Reed. "Besides, you see what they did to the six guys, right? Kaya imposibleng hindi nila ito magawa."

Hindi nakasagot si Reed sa sinabi ni Principal. Pumasok na sa usapan si Elias nang biglang dumilim ang paligid. Inakbayan niya si Reed at pilit na ipinalalakad sa kabilang direksyon. Nagpupumiglas si Reed pero hindi siya hinayaan ni Elias na makaalis.

"Hayaan mo na lang. Wala ka bang tiwala sa dalawa?" Bulong ni Elias.

"Your principal is twisted," ang tanging sagot ni Reed.

"Yah, I also think so," tawa ni Elias.

"Hindi ako nagbibiro."

"Nobody is."

Bumalik sila sa kung saan nakaupo ang dalawang binata nang madatnan nila ang upuan na walang laman. Agad hinanap ng kanilang mga mata ang dalawa na nakita nilang lumalabas. Hahabulin pa sana sila ni Reed nang hindi siya hinayaan ni Elias.

"Just let them," sabi ni Elias na binitawan na sa akbay si Reed. Pinagpag ni Reed ang balikat niya.

"Sabihin mo, may alam ka ba sa larong lalaruin nila sa simula pa lang?" Tanong ni Reed.

"Well..." Hindi agad nakasagot si Elias na iniwas ang tingin kay Reed. Pero napaamin naman siya dahil sa konsensya. "Yeah, sort of. I've seen this game before."

"Bakit hindi mo sinabi sa dalawa na ganitong laro pala ang haharapin nila para nakapaghanda sila."

"Jeremy ordered me to remain silent. Mas maganda kung hindi alam ng dalawa ang magiging takbo ng lahat."

"Huh? Then you also wanted them to get hurt?"

"Hindi naman sa ganon."

"Then what? You're placing their lives in danger!"

Umiling si Elias. Umupo siya sa upuan na inupuan ni Edison kanina. Pero kinuha niya muna ang gamit sa upuan bago umupo. Tinignan niya kung ano ang nakasulat sa tablet at napatango. nakatayo pa rin si Reed sa tabi niya na naghihintay ng sagot. Elias clicked his tongue and looks up to Reed.

"For what is worth, you can never understand us, Reed. Para sa taong walang Phobia, hindi mo talaga kami maiintindihan," sabi ni Elias. "Kung ano man ang mayroon sa larong ito siguradong malalampasan ng dalawa."

"I know that," sabi ni Reed. "Alam kong hindi ko kayo maiintindihan pero hindi ba sobra ang ginagawa niyo? Paano na lang kung bigla silang atakihin ng phobia nila?"

"For those guys, they rather face this game than face their phobia. Mas gusto nilang mamatay sa larong ito kaysa harapin ang kinakatakutan nila," muling tumayo si Elias at ibinigay kay Reed ang tablet. "Death is nowhere close to our fear. Remember that."

Naglakad pabalik si Elias kay Principal. Naiwang nakatayo doon si Reed na hawak hawak ang tablet ni Edison. Muli niya itong tinignan at nagulat sa nakita. May mga nakabukas na tab na kung saan nakasulat ang mga larong barilan at kung ano pa. Kinuha niya ang PSP na nilalaro ni Christian nakita ang isang zombie game. Mukhang sa buong oras na naglalaro ang dalawa ay inihahanda nila ang kanilang pag-iisip. They know that they're in disadvantage but it looks like they're trying to cope it up. Niligpit ni Reed ang mga gamit na naiwan ng dalawa sabay isip sa kung ano ang gagawin para matulungan ang dalawa. Kinuha niya ang sarili telepono mula sa bulsa at tinawagan ang isang tao.

"Hello," sagot ng kabilang linya.

"This is McIntosh. I want you to bring the equipments... Yes, please the recent one. Yes, I want it now."

Kung hindi magawang pigilan ni Reed ang laro, isang bagay lang ang naisip niya. Kung hindi mapapahinto ay tutulungan na lang niya si Edison na maging ligtas sa buong laro na ito. He knows that he's just being paranoid. But his guts are telling him that bad things will happen on the way.

School Of PhobiaWhere stories live. Discover now