Nakikinig si Reed sa paliwanag ni Amijan tungkol sa ginagawa nilang paraan para malabanan ang Phobia. Katabi lang niya si Edison na halata ang pagkayamot nang hinila siya ni Reed pabalik sa kanya. Hindi ito interesado sa sasabihin ng sekretarya. Ang atensyon niya ay nakatuon sa mga estudyanteng nagtitipon sa sulok ng isang kwarto na walang dahilan.
"Sa isang normal na paaralan, limang araw tumatakbo ang klase. Pero sa lugar na ito apat na araw lang ang klase. Inilalaan ang biyernes at sabado para sa tinatawag naming ET. ET is short for exposure therapy. Iyan ang paraan na ginagamit namin para masanay ang mga estudyante sa mga takot nila," hinawi ni Amijan ang buhok na bumaba mula sa kanyang ulo. "Ang exposure Therapy o desensitization ay isang sistematikong paraan na kung saan ang pasyente ay inilalahad sa bagay na kinakatakutan niya. Para bang ipinapakita mo ang tao sa mismong takot niya sa hanggang masanay siya nito. Pwedeng ihalintulad rito ang masangsang na amoy ng isda o ng patay na daga. Sa unang pagkakataon maaamoy mo talaga ang langsa at baho, pero sa katagalan nawawala na ito. Immunity naman ang tawag doon."
"Pero hindi basta basta ang Exposure Therapy. Ito ay ginagawa ng dahan dahan. Alam mo ba kung ano ang Cognitive-Behavioral Theory?" Tanong ni Amijan kay Reed. Umiling lang si Reed dahil wala siyang kamuwang-muwang sa ganitong mga salita. Si Edison naman ang hinarap niya. Tinignan lang siya ni Edison, pero halata namang alam ng binata ang sagot.
"Kung ano ang iniisip mo ay kung ano rin ang mararamdaman mo," sagot ni Edison. "When I think that it hurts, then it will hurt. When I think that it's ugly, then I'll show it with my actions. If I think that I can't do it, then I will feel that I can't do it."
"Correct," ngiti ni Amijan sa kanya. "We have this Cognitive-behavioral therapy that teaches the patients that the thoughts are affecting our actions. This is under the condition that the brain is healthy, meaning, there's no problem with any part of your brain. Attaining that condition, the one that causes your feelings and actions must be your thinking, not the brain," sabi ni Amijan. "So by that, we apply the Exposure therapy which is under CBT. Ang mga hakbangin ay hindi naman kahirapan pero matagal ang proseso. Ito ay sa dahilang hindi agad inilalahad sa pasyente ang takot. Kagaya nga ng sabi mo kanina tungkol sa CBT na kung ano ang iniisip mo ay syang iyong gagawin, iyan ang unang hakbang. Ilalagay namin sa isip ng pasyente na hindi dapat siya matakot dahil hindi naman ito nakakasakit at nakakasama."
"Halos matagal namin itong gagawin sa hanggang araw araw na niya iisipin ang kinatatakutan niya. Hindi niya ito iniisip dahil sa gusto niya itong iwasan o dahil sa hindi niya malimutan ang takot, ito ay dahil sa kaya na niya itong isipin na hindi namumutla. Pagkatapos sa paggamit ng imahinasyon ay pupunta naman kami sa picture form. Ipapakita namin ang litrato ng kinatatakutan nila. Una ay sa malayong distansya. Sa susunod ay lalapit siya ng ilang sentimetro, sa hanggang kaya na niya hawakan ang litrato. Hindi lang rito magtatapos ang picture form. Kapag napagtagumpayan na niyang hawakan ang litrato, bibigyan na namin siya ng mga gamit na may litrato ng phobia niya at ipalalagay ito sa kwarto niya. Halimbawa, ang isang tao na may Arachnophobia. Kapag nakapunta na siya sa lebel na ito, bibigyan namin siya ng mga laruang gagamba na ilalagay sa kwarto niya para makita ito araw araw."
"At ang huling hakbang ay ang mismong pagpapakita sa kanila ng kanilang kinatatakutan. Pareho pa rin ang proseso. Una, sa malayuan sa hanggang kaya na nilang hawakan ito. Ito ang pinakamatagal sa mga hakbangin dahil may iba na pumapalya kaya nagsisimula sila sa pinakaunang hakbang," paliwanag ni Amijan.
"Biyernes ngayon," sabi ni Reed na lumingon sa silid aralan. "Ibig sabihin iyon ang ginagawa nila?"
"Tama," tango ni Amijan. "Ang mga nasa Zwiene Territorium ay nasa huling hakbangin na. Pero tumatagal ito ng mga dalawang taon kaya kahit nasa huling parte na sila ay hindi parin pwede manigurado. Isang pagkakamali lang at magsisimula uli sa umpisa."
YOU ARE READING
School Of Phobia
Misterio / SuspensoWelcome to the place where your fears are taken good care of.