It doesn't matter if we met or not if you can't remember me, right?"
Hindi alam ni Reed kung anong sasabihin. Walang salitang pumasok sa utak niya para tapatan ang itinapon na tanong. Ito ang unang pagkakataon na sinabihan siya ng ganito; kahit si Edison nga hindi siya binibigyan ng ganitong trato. Nang maisip niya na hindi niya kayang sagutin ito, napaharap siya kay Edison na kumakain. Pero kahit tanungin pa niya si Edison, alam niyang hindi siya tutulungan niyto.
"Bilhan mo na lang ako ng fruity juice doon sa vending machine," sabi ni Edison na itinuro ang pintuan. Sinundan naman ito ng tingin ni Reed. "Blue berries not strawberry."
Hindi na nag-alangan pang tumayo si Reed at sumunod sa utos kahit hindi sinasagot si Edison. Alam niyang nabasa ni Edison ang pangangailangan niyang mawala sa lugar at inutusan siya. At fruity juice? Hindi umiinom ng matatamis si Edison. Mas pinipili pa niya ang kape o kahit anong inumin na may caffein sa dahilan na hinahanap ito ng katawan niya. Pero sumunod pa rin si Reed. Ito pa rin ang bibilhin niya.
Bago siya tuluyang makalabas sa pinto lumingon muna siya para tignan si Edison at ang lalaking kaharap nito. Sa isa pang beses, pinilit niyang hinalukat ang mga ala-ala pero kahit anong gawin niya hindi niya talaga ito nakikilala. Sumuko na lang siya at lumabas, hinahanap ang dalawang magkatabing vending machine na nakatayo limang metro ang layo mula sa pintuan.
Hinawakan niya ang bulsa at naghanap ng barya na ihuhulog sa vending machine. Binilang niya kung ilan ang hawak hawak sa hanggang makarating siya sa harap nito. Limang piso... Sampung piso... Dalawampu... tatlongpu... Sapat na ang pera para makabili ng dalawa. Inihulog na niya ang barya. Nagising ang makina na nagsimulang umugong kasama ng pagsayaw ng mga ilaw sa paligid nito. Umilw din ang mga buton na nagsasasaad kung alin sa kanila ang pwede sa inihulog na halaga. Hinanap ni Reed ang inumin gamit ang mga mata - at sa huli ay di nakita ang hinahanap.
"Strawberry lang mayroon," sambit niya sa sarili. Muli niyang tinignan ito ng isa pang beses pero di niya talaga mahagilap ang hinahanap na inumin. Pinindot niya ang 'withdraw button' para iluwa ang barya na hinulog niya. Babalik na sana siya sa loob pero inisip niya na makakaharap na naman ang di naaalalang binata at baka banatan pa siya ng mga bagong salita.
Naghanap si Reed ng iba pang Vending Machine. Ang susunod na nakita niya ay ilang metro rin ang layo sa una niyang pinuntahan. Nasa pagitan ito ng mga bakanteng daanan na kung saan may mga estudyanteng tumatambay sa tabi nito. Akala niya mahahanap niya ang inumin rito pero wala pa ring pag-asa na matagpuan ito. Nagtanong siya sa mga estudyante kung mayroon ba talagang 'blue berry' na flavor. Sumagot sila ng 'oo' at sinabi sa kanya na isang Vending Machine lamang ang may hawak nito. Matatagpuan ito sa may labas, sa main lobby ng Zweine T.
Natagpuan ni Reed ang Vending Machine. Natagpuan rin niya ang dalawa sa mga gwardia nila na naghulog ng barya at kumuha ng inumin. Nilapitan niya ito. Agad naman siyang binati ng dalawa na nagtatanghalian ng isang piraso ng malaking hamburger at soda na binili mula sa vending machine. Ibinalik niya ang bati bago humarap sa makina at naghulog ng mga barya. Umilaw ang vending machine, tumunog ang makina sa loob, nagsi-ilawan ang mga pindutan, at pinindot ang inumin na may blueberry flavor. Maririnig ang paggalaw sa loob - mula sa paghahalo ng tubig, ng prutas, ng yelo, at ng pagbagsak ng baso. Habang naghihintay si Reed, napansin niya ang tingin ng mga gwardia sa kanya.
"Is there something wrong?" Tanong niya sa dalawa.
"Wala naman," agad na sagot ng isa. "Medyo kakaiba lang kasi ngayon. Mas nagmukha kayong nasa edad niyo."
"Huh? Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Reed na hindi naintindihan ang sinabi ng gwardya.
"Ah, how should I say this..." Nag-isip muna siya sa sasabihin. "It's like you look refreshed."
YOU ARE READING
School Of Phobia
Mystery / ThrillerWelcome to the place where your fears are taken good care of.