Wala na siyang hihilingin pa kundi ang uminom ng tsaa habang pinanonood ang lumilipad na paro-paru habang nakaupo sa upuang gawa sa rattan sa gitna ng hardin ng mga bulaklak at palumpong. Ah, maganda ang simula ng kanyang umaga! Nagising siya mula sa ingay ng kanyang despertador, nagsipilyo, naligo, at kumain ng almusal. Hamon at itlog ang ulam niya na sinamahan pa ng isang platito ng champurado at isang hiwa ng papaya. Pares nito ang biniling mainit-init pa na pandesal na may palamang tinunaw na keso. Kumain siya kasama ang iba pang mga kaibigan, at nagsalo-salo sa kanilang hapagkainan.
Dahil sa magandang simula ng araw, inaasahan niyang magkakaroon na naman siya ng oras para uminom ng tsaa kasabay ng panonood ng mga bulaklak. Kung gugustuhin man, magsasama siya ng mga estudyante sa kanyang munting pahingahan at ipakita ang nagagandahang palamuting dahon. Sisiguraduhin niya munang walang takot sa kahit anong bagay na nasa hardin ang isasama niya para naman matuwa ito sa ginagawa.
Ah, tama, lahat ng iyan ang kanyang ginawa at inakalang gagawin kung hindi lang sana siya nakatanggap ng tawag tungkol sa isang estudyanteng darating. Imbes sa nasabing hardin, nasa loob siya ng kanyang opisina, nakatayong nakaharap sa parisukat na bintana habang hinihintay ang darating na panauhin. Hanggang tingin na lang muna ang hardin na kanyang dadalawin mamaya. Bumukas ang pinto pagkatapos ng tatlong katok. Humarap siya sa mga pumapasok na panauhin.
"Good Morning, what can I do for you?" Ang praktisadong pambungad niya sa mga taong pumupunta sa kanyang opisina. Nabigla siya sa kakaibang nakita pero hindi niya ito ipinahalata sa kanyang mukha.
"Good Morning, Sir Clarckson," abante ng isang binatang representante ng grupo. Nakasuot ito ng itim na polo at slacks na may puting damit na pangilalim. Mayroon itong takip sa mga kamay at pulang panyong nakalagay sa kanyang bulsa sa harap ng dibdib. Parisukat ang salamin nito sa mga mata na itinulak niya paitaas bago yumuko ng kaunti at binati siya.
"Just call me Principal," sabi niya bago pa maipagpatuloy ni Reed ang sasabihin.
"Sir Principal," patuloy ni Reed. "My name is Jared McIntosh. I'm a manservant from the main house of Greendale. I hold the place next to the heir. If you may please, I have a favor to ask. This is as requested by that Chairman himself."
Inilagay ni Reed ang isang parisukat at kulay kayumangging sobre sa mesa. Tinignan muna siya ni Principal, pagkatapos ay ang mga kasama nito, bago hinila ang upuang di-gulong palabas at umupo. Itinulak niya ang sarili papalapit sa mesa at binuksan ang sobreng siniraduhan gamit ang makalumang paraan - ang pagtutunaw ng makulay na wax na pinatitigas sa mismong labi ng sobre. Gamit ang isang uri ng kutsilyo na kinuha niya sa dibuhista, nabuksan niya ang sobre at isa-isang tinignan at binasa ang mga nakalagay sa iilang papel at litrato. Nasa tabi niya ang kanyang sekretarya na nagpapasok sa mga bisita.
"Edison Greendale, 17 years old..." Basa niya mula sa unang papel.
Tahimik niyang pinag-aralan ang bawat papel, binabasa ang mga salitang nagsasaad ng mga pangyayari, at mga litratong ginawang patunay. May karamihan din ang mga papel kaya natagalan siya sa pagbuo ng disesyon. Sa unang pagkakataon, ngayon lang siya nakatanggap ng ganitong kaso na kung titignan ay tila isang biro lang. Napunta ang atensyon niya sa mga litratong nakikita, sa hanggang makarating siya sa hulihan. Pinagmasdan niya ng mabuti ang binatang nakikita sa litrato, at binaba ito para makita ang tunay na katawan.
Isang binata ang nakaupo sa isang upuan na gawa sa matibay na bakal. Mayroon itong maitim na buhok at maiitim na mala-holen na mga mata. Maitim rin ang suot nitong damit, maliban sa iilang hibla ng puting linya na nakalagay sa kwelyong aabot sa pulso. Itim na jogging pants ang pares ng pang-itaas na may pangalan pa ng isang eskwelahan na marahil ay kanyang dating pinanggalingan. Lahat sa kanya ay maitim, maliban lamang sa kanyang maputlang balat na bumaliktad sa kung ano ang kanyang kasuotan. Marahil ay isa siyang bampira...
YOU ARE READING
School Of Phobia
Mistério / SuspenseWelcome to the place where your fears are taken good care of.