Tinginan sa kanya ang lahat ng tao nang tumunog ang telepono niya. Naghuhugas siya ng kamay pagkatapos niyang gumamit ng banyo kaya hindi niya ito agad nasagot. Kumuha siya ng ilang papel ng tissue paper mula sa dispenser at pinatuyo ang kamay. Doon pa niya nakuha ang telepono na ngayon ay nasa pangpitong tunog na. Sinagot niya ang telepono pero hindi agad nagsalita sa hanggang nakalabas na siya ng banyo.
"Hello," sagot ni Elias sa tawag.
"Elias, nasaan ka ngayon? Kasama mo ba ang dalawa?" Tanong ni Jeremy sa kabilang linya.
"Pabalik na ako diyan at hindi ko kasama ang dalawa. Bakit, wala pa ba sila diyan?"
"Hindi ko pa sila nakikita simula nung umalis sila kanina. Dumating na ang bracket sa laro at magsisimula na ang unang laban mga isang oras mula ngayon. I want them to be here to get ready."
"Okay, hahanapin ko sila."
Ibinaba na ni Elias ang telepono na agad namang naghanap sa dalawa. Sa bawat daan na dinaraanan niya, hindi maiiwasan ng mga tao na mapatingin sa kakaiba niyang ayos. Napapabulong sila sabay bigay ng mga opinyon sa kasama sa itsura niya. Hindi sila pinansin ni Elias na nasanay na sa ganitong sitwasyon. Para sa kanya, mas mabuti pa ang mga estudyante niya na kung makalait sa suot niya ay harap-harapan kaysa sa mga taong nandirito na panay ang bulong.
Sa kanyang paghahanap, isang kumpol ng tao ang napansin niyang nagtitipon sa isang lugar. Tila ba may pinapanood sila na nangyayari sa gitna. Isang kutob ang pumasok sa utak ni Elias na nakisali na rin sa mga nakiki-usyoso. At hindi nga siya nagkamali nang makita ang dalawang kalalakihan na may kakaiba at nagpapasikat na mga suot. Roger, nakita na niya ang mga target.
Ano na naman kaya ang ginagawa ng dalawang ito, ang agad naitanong ni Elias sa utak niya.
May tatlong babae ang nakatayo sa harapan ni Edison samantalang medyo nalalayo si Christian sa likod ng binata. Sa kanyang pananaw, nagkaroon ng mainit na usapan ang dalawang panig na nagsimula ng kumosyun na ito. Sa isang tingin, makikita na tila ba sina Edison ang nagsimula ng gulo. Pero para kay Elias, hindi gagawa ng ganitong kaguluhan ang dalawa habang nandirito si Jeremy kasama sila. Na-trauma na sila sa ginawa nitong pagpaparusa sa kanila. Natuto na sila. Hindi na sila gagawa ng katarantaduhan na magpapawala sa timpi ni Jeremy.
"Teka, ano iyon? Bakit may kustilyo siyang hawak. Hala, tumawag na kayo ng security," bulong ng isang babae sa katabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Elias nang marinig ito. Kutsilyo?
"Paano mo nga ba maiintindihan ang magiging sagot ko kung wala kang kinakatakutan?" Singhal ni Edison. "Paano mo maiintindihan ang sagot ko kung kahit ang pagsaksak lang sa akin ay hindi mo magawa?"
Tinignan ni Elias ang mga kamay ng binata at nakita ang sinasabing kutsilyo. Nagtaka si Elias kung saan niya ito naipuslit. Dumaan naman sila sa metal detector kanina at wala namang ingay na nangyari ng dumaan si Edison rito.
"Bakit mo ba gustong ipagawa sa akin iyan? Bakit, kaya ba iyang gawin ng mga taong nandoon?"
"Oo," mabilis niyang tugon. "Laban sa kinakatakutan namin, kaya naming pumatay ng tao maiwasan lang ito."
Mabilis na nakausad si Elias sa dami ng taong humaharang sa kanyang harapan. Nang makita niyang itinaas ni Edison ang kutsilyo at aakmang sasaksakin ang sarili ay agad na siyang kumilos. Nagbitiw pa ng ilang salita si Edison na nagbigay sa kanya ng oras para mapigilan ito. Hinawakan niya ang balikat ni Christian na mukhang gagawin rin ang iniisip niya.
"What the-" ang nasabi ni Christian nang mapalingon siya sa lalaking humawak sa balikat niya.
Agad sinunggaban ni Elias ang kamay na may hawak sa kutsilyo na malapit nang masaksak sa kanyang leeg. Itinaas niya ang kamay at minabuting pisilin ang mga palad nito para mabitawan ang hawak na kutsilyo. Pero hindi ito binitawan ni Edison. Napatingin lang siya sa taong pumigil sa kanya. Isang ngiti ang lumutang sa mga labi nito na tila ba nasa kontrol niya ang lahat. Isang matabis na tingin ang ibinigay ni Elias na halata ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
School Of Phobia
Misterio / SuspensoWelcome to the place where your fears are taken good care of.