Narinig ko na ang tunog ng mga martsa ng mga batang magsisipagtapos. Nakita ko agad ang anak ko na may nakasabit na sampaguita sa leeg.
Inakap ko siya't hinalikan dahil halos tatlong taon din kaming hindi nagkita.
Malaki ang ngiti niya sa akin ngunit wari'y nagtatanong. At saka niya ako inalok ng sampaguitang ibinibenta niya.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.