Malalim ang bawat paghinga ni Analyn habang nagsusuot ng pantalon, tila ba inihahanda niya na ang sarili sa resulta ng kalahating taon niyang pag-iipon.
Muli siyang bumuga ng hangin at saka tumuntong sa aparatong hinayaan niyang magdikta sa kaniyang kagandahan at karapatan pamula pa noon.
"245 pounds, Obese." Kasabay ng pagsikip ng kaniyang dibdib ang pagkatanggal ng butones sa pantalon niya.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.