Tatlong Bibe
Malayo pa lang ay natatanaw na ni Berta ang paborito niyang tatlong bibe na papalapit sa kinauupuan niya. May isang mataba, isang mapayat, at isang may pakpak sa likod. Hindi man naririnig ang kwak-kwak ng mga ito ay masaya na rin siyang nakita muli ang mga alaga.
Maya-maya pa'y inilapag na sa hapagkainan ang mga bibe.01-04-18
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.