Mataman niyang pinagkatitigan muli ang kaniyang binubuong puzzle. Naibalik niya na ang dinukot niyang mga mata rito. Pati mga paa't kamay nito ay ipinuwesto niya na't ikinabit ng alambre ang mga daliri.
Ipinalunok niya rin dito ang dila nang muli nang makapagsalita.
Saka minulat-mulat ang mata nito
"Kaunti na lang, mabubuhay ka na ulit, Inay."
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.