Sumibol na ang mga tinanim niyang bulaklak sa may paso. Mabuti at naisama sa bagahe nila ang punla't nakapagtanim siya nito. Marami-rami na rin ang nakuha niyang buto. Tamang-tama at ilang araw na silang nagtitiyaga sa hibla ng kumot at karton.
"Ate, gutom na ako,"
"Teka lang, malapit nang kumulo itong mga buto ng sunflower,"
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.