Isang kalamidad ang nananalasa ngayon sa kaharian. Wari'y hagupit ng kalikasan.
Maya-maya'y nagsimula nang anurin ang mga kabahayan, gusali, ospital, paaralan, bangko, at maging ang palasyo.
Nalipol ang halos kalahati ng kaharian at sumunod ang isang pagsabog."Ma, may bulate sa puwit ko!" sigaw ng paslit mula sa banyo na kanina'y nakatanggap ng gamot pampurga.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.