Malalim na ang gabi, nagising si Mon na hindi nakaakap sa ama.
"Yakap mo 'ko, Itay," anang paslit na kasalukuyang ipinupuwesto ang kamay ng ama sa kaniyang tiyan.
Hindi ito sumagot kaya siya na ang yumakap dito. Wala pa rin itong tugon.
"'Tay, yakap."
Pinakiramdaman niya ito, hindi na nagtataas-baba ang galaw ng tiyan nito.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.