Para kang isinatitik na pangako ng mga politiko sa Pilipinas. Napalagay ako sa paglalagay mo sa 'kin ng piring. Sa palagay ko kasi ay nasa punto na ako kung saan mag-aabot ang palad at pangarap ko. Subalit isa ka lamang palang nakabubulag na aninag sa anyo ng magandang bukas. Nahulog na ako sa iyong patibong at mukhang hindi na makaaalpas.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.