Matagal niya na itong napaghandaan, at noon pa man alam niyang ito rin ang dulo.
Rinig ang paglagabog sa kaloob-looban niya, at ang pagtulo ng pawis niya.
"Kahit sana 'yung pansit bihon ang ibinigay nila," aniya habang sinisimot ang huling hibla ng pancit canton na calamansi flavor.
Ang kaniyang huling hiling,bago ang nalalapit niyang bitay.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.