Kagabi pa siya walang kain dahil wala pang luto. Ubos na kasi lahat ng puwede ipanggatong sa barung-barong nila.
Saglit pa't nagpunta na siya sa kabilang baryo. May sunog kasi dito kagabi.
Pinagmasdan niya ang lugar na nilamon ng apoy, dumalaw ang simpatya.
Maya-maya pa'y namulot na siya ng panggatong, ilang muwebles at sumibat na.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.