"Ako ay may lobo, lumipad sa langit. 'Di ko na nakita, pumutok na pala-," magiliw na umawit ang dalagitang bitbit ang pamangkin na bagong panganak kasabay ng pagbitiw sa mga hawak niyang puting lobo na ngayon ay mabilis nang tinatangay ng hangin papalayo.
Isang paggunita sa ate niyang naputukan sa loob, pumutok ang panubigan, at ngayon ay kasama na ng mga lobong mayamaya lamang ay puputok na rin sa langit.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.