"Pagod na akong huminga. Gusto ko na mamatay,"
"Kaya mo iyan, ano ka ba?!"
"Ayos lang iyan, friend."
"Huwag ka nga, marami ngang mas mabigat pa problema sa iyo e,"
"Pagod ka na pala e, 'tigil mo na!"
Tanging tunog lamang ng bintilador at paglagutok ng buto niya sa leeg ang huling narinig sa silid.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.