Hindi inalintana ng humahagulgol na dalaga ang mapanghusgang mga tingin ng mga tao at nakalulusaw na init sa parke. Ilang saglit pa'y bumuhos ang malakas na ulan, hudyat na nagsimula na ang kasal ng naging nobyo niya sa loob ng sampung taon. Masaya siya sana ngayon kung hindi niya lang inibig ang Tikbalang na iyon.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.