"'Yung tatay mo, nagtitinda ng balut. Sa iyo, factory worker. Ikaw naman, call center. 'Yung tatay mo naman, amo ng tatay niya. Wala pala tatay ninyo sa tatay ko," pagmamayabang ng paslit sa mga kalaro.
"Bakit ikaw, ano ba tatay mo?" asiwang tanong ng isa.
"Guwardiya."
"Guwardiya lang pala e," alaska ng isa.
"Guwardiya. Sa langit."
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.