"Nanay, tatay, gusto kong tinapay. Ate, Kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin n'yo. Ang magkamali ay pipingutin ko ng-" bago pa makapalakpak ay may naglapag na ng tinapay at kape sa harapan nila, kasabay no'n ang mahinang tapik sa balikat ni Atoy.
"Matulog ka muna, 'Toy. Gisingin ka namin mamayang libing."
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.