Napuno ng mga nakikiusisosyo ang kanto. Malakas ang talak ng aburidong babae kay Ipe na hindi man lamang umiimik. Pulos mura't masasakit na salita ang lumalabas sa bibig ng ginang. Ngunit panay lamang ang hikbi ni Ipe, walang bahid ng pagtatangkang sumagot.
"Sana talaga pinalaglag na lang kita!"
Buti na lamang talaga't hindi siya nakaririnig.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.