"Mama, nasa'n po si papa? 'Kala ko po saglit lang siya?"
"Nasa moon siya, 'nak. Malayo, hindi pa agad makakauwi,"
"Sa moon po? 'Di ba po astonots lang puwede do'n? Astonot na po si papa?"
"Hindi, 'nak. Marunong kasi si papa mo magpunta sa ibang mundo saka lumipad kaya isinama ng pulis sa moon."
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.