Parang

46 22 0
                                    

Paano mo ba maipaliliwanag sa kanila ang maitim na oras matapos ang dapit-hapon? Paano mo ipaiintindi sa mundo ang dalumat ng paglikha matapos nilang lumisan sa iyong kaparangan?
Maglalapit ang mga tugma, mamumulaklak ang mga salita, sisilay ang banyuhay, magsisigising síla sa paos na tilaok ng uhaw na manok, at síla'y muling masisilaw sa silay ng liwanag ng paghahambing mong kasing lawak ng maitim na oras matapos ang dapit-hapon.

NanofictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon