Tubo

177 30 0
                                    

 Tirik na tirik ang araw. Sunod-sunod ang pagtulo ng pawis ng mag-ama habang nasa taniman ng mga tubo.
Nakakailang dosena na sila mula kanina. Hapo man ay patuloy sila sa pagputol ng mga tubo.
"Bakit hindi na lang ito ang ilagay nating tubo sa baga ni Ina, 'Tay?"
"Iba iyon, 'Nak," aniya't bumalik sa pagpuputol.   

NanofictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon