Sinaw

74 20 1
                                    

Huminto ang oras katulad ng ninanais mo. Ganoon din ang pagtibok ng puso nitong makisig na binatang humawak sa iyo. Gumapang ang iyong pananabik sa kaniyang mga bisig, hinayaan ang kislap na gumawa ng ingay, at maging ng usok na unti-unti na ring susunod sa iyong pagpanaw. Ilang saglit na lang ay magpapatuloy na ang oras, at maging ang tibok ng puso nitong binatang iyong sinisinta. Habang ikaw ay maglalakbay na sa kaniyang alaala ngunit bilang hapdi at kirot na lamang na dulot ng sariling katangahan.

NanofictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon