Anathema

231 28 1
                                    

"Ma-las. Malas." Malakas ang pagbasa ng guro habang dinudutdot nito ng hawak na arnis ang nakasulat sa pisara.
"Basa,"
Nagsimulang magsisayaw ang mga letra, sumirko-sirko sa ere't nag-iba ng puwesto at muling bumalik.
"M-m-" Pinanlakihan siya ng mata ng guro. Pumulas ang letra.
"A-a-las," uutal-utal niyang pagbasa. Hudyat ng muling pulang marka sa papel niya.   

NanofictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon