Sinulid

93 28 0
                                    

Saksi siya kung gaano kahusay na tumawid sa mala-sinulid na lubid ang kaniyang ina. Kung paano nito nakakayang magbalanse habang maraming bitbit. Saksi rin siya sa unti-unting pagnipis ng hibla ng buhok nito, ang kulay itim naging abo, hanggang sa naging puti.
Ngayon, saksi naman ang kaniyang ina sa nakabitin niyang katawan gamit ang sinulid.

NanofictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon