"Okay, Class. Please introduce yourself," anang guro na hudyat para tumagaktak ang kaniyang pawis. Mula kaninang pagpasok ay hindi pa siya umiimik.
Isa. Dalawa. Lima. Siya na ang magpapakilala. Hindi niya malaman kung saan ilalagay ang kaba. Mabilis na umurong ang kaniyang dila.
Pero naghihintay sila. Kailangan niyang harapin ang takot.
"Ango ngi Nyey-" tawanan.
BINABASA MO ANG
Nanofiction
Short Storyantolohiya ng mga dagli mga salitang nabingwit sa karagatan ng kahirapan.