Kakapikit pa lang ni Laine ng kanyang mga mata para matulog ay narinig na niya ang tunog ng doorbell ng bahay nila. Inayos niya kasi ang mga gamit niya na dadalhin niya sa pagbabakasyon niya. Excited na siya sa gagawin niyang pagbabakasyon. Mapupuntahan niya na rin ang matagal na niyang gustong puntahan. Ang Rome. Mula pa lang ng malaman niya ang tungkol sa kwento ng magkapatid na sila Romulus at Remus, pinangarap na niyang makarating doon. Gusto niyang libutin ang Rome. Gusto niya pang may matutunan tungkol sa bansang iyon.
Ipapagpatuloy niya na sana ang naudlot niyang pagtulog ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Nasisiguro niyang isa yun sa mga katulong nila. Sa ganung oras kasi, alam niyang wala pa ang kanyang ama.
"Laine, may bisita ka.", sabi ni Aling Rosita--isa sa mga katulong nila--habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya.
Ay! Panira ng tulog tong bwisitang to! Sino naman kaya to? Gabing-gabi na! Hindi na lang pinagpabukas ang pagpunta dito!
"Sino po yun?", magalang na tanong niya.
"Hindi ko alam kung sino yun. Pero nais ka raw niyang makausap. Hindi ko na muna pinapasok dahil hindi ko kilala."
"Ah, sige po. Lalabas na rin po ako."
Nagbihis kaagad siya ng disenteng damit para kilalanin ang bisita niya. Pero natigagal lang siya ng makita kung sino yun. Hindi niya inaasahang pupuntahan siya nito.
"H-hi.", nag-aalangang bati nito.
"Hi. Come in.", nakangiting paanyaya ko.
"Ahm, ako nga pala si Carla."
"Yea, kilala na kita. Ikaw yung mahal ni Noel.", walang pait sa tonong sabi ko.
"Sorry ah. Kung nasira ko yung relasyon niyo."
"Ayos lang. Tapos na yun. Kalimutan na lang natin."
Halatang hindi makapaniwalang nakatitig ito sa kanya.
Nginitian niya ito.
"Alam kong mahal na mahal mo si Noel kaya mo yun nagawa. At mahal na mahal ka rin ni Noel at hindi niya kakayaning tanggihan ka. Pero may isa lang akong tanong sa'yo."
"Ano yun?"
"Ano'ng relasyon niyo nung lalaking kasama mo sa coffee shop noong isang linggo?"
Hindi niya alam pero nasa ngiti nito ang panunudyo.
"He's my ex.", nakangiting sabi nito.
"Ah. Akala ko kasi...", hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin dahil alam niyang mao-offend ito.
"Na ipinagsasabay ko sila? Alam mong hindi ko yun ginagawa Laine. Dahil nakikipagbalikan sa'yo si Noel. Nang malaman mo ang tungkol sa'min, hindi ko na siya nakita pa. Ang totoo, kaya ako nagpunta dito ay dahil gusto kong humingi ng pabor sa'yo. Hayaan mo na lang si Noel sa akin, please? Mahal na mahal ko siya. Ikaw na rin ang nagsabi, mahal na mahal ako ni Noel. Kaya please lang Laine, wag mo na siyang paasahin.", seryosong sabi nito. Halata sa mukha nito ang labis na sakit.
"Wala kang dapat ipag-alala Carla. Wala akong balak na ipagpatuloy pa ang naudlot naming relasyon ni Noel. Hindi ko na siya mahal. At lalo ngayong alam ko na, na mahal na mahal mo talaga siya. Hindi ako hahadlang sa pag-iibigan niyo. Sa katunayan, aalis na ako dito sa bansa bukas kaya wala kang dapat ipag-alala. Alam kong magiging masaya kayo sa piling ng bawat isa.", nakangiting sabi ko.
"Maraming maraming salamat, Laine.", punong-puno ng kagalakan ang tinig nito.
"Walang anuman. Ikakasaya nating lahat itong desisyon ko. Sige na. Masyado ng gabi. Ingat ka sa pag-uwi mo ah. Goodluck sa pagmamahalan niyo ni Noel."
"Sige, Laine. Ingat ka rin ah. Maraming salamat ulit."
Nang makaalis na si Carla, siyang dating naman ng kanyang ama.
"Hi, Dad.", masiglang bati niya rito.
Ngunit tango lamang ang itinugon nito sa kanya. Hindi man lang siya nginitian nito.
"Dad, I have something to tell you.", pahabol niya pa ng makitang didiretso na ito sa kwarto nito.
"I'm tired, Laine. Go to sleep. It's already late."
"Goodnight, Dad."
Hindi na ito tumugon pa.
Bagsak ang mga balikat na bumalik siya sa kwarto niya. Aalis siya pero hindi alam ng kanyang ama. Hindi man lang siya nito hinayaang makapagpaalam. Lagi na lang itong ganun. Laging idinadahilan na pagod ito sa trabaho.
Hindi niya na napigilan pang bumagsak ang kanyang mga luha. Sunod-sunod ang pagpatak nun. Parang wala ng katapusan. Nahihirapan na siyang talaga.
Siguro isa rin sa mga dahilan ng pag-alis niya ng bansa ay gusto niya munang malayo sa kanyang ama. Tutal naman ay wala itong pakialam sa kanya. Lalarga na lang siya ng lalarga. Wala na siyang pakialam!
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Novela JuvenilKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...