CHAPTER THIRTEEN.

42 0 0
                                        

JUFFERSON's POV.

Kakagaling pa lang niya sa restaurant ng hotel ng makita niyang may naghihintay sa kanya sa labas ng tinutuluyan niyang hotel suite.

Ano'ng ginagawa ni Noel sa labas ng hotel suite niya? Ano ang kailangan nito sa kanya?

"Kanina ka pa?", tanong niya dito ng makalapit siya rito.

"Medyo.", walang alinlangang sagot nito.

Napangiwi siya sa sinabi nito. Masyado itong prangka.

"Pasensiya ka na kung napaghintay kita ng matagal. Kumain kasi ako e.", sabi ko. Dahil sa pinakita nitong pagiging prangka, nunca na magpakita siya ng kabaitan dito.

Ano bang nakita dito ni Carla para iwanan siya para dito? E ubod lang naman ng kayabangan ito.

Ganoon nga siguro marahil ang pag-ibig. Kahit kapintasan, minamahal pa rin.

"Ano bang sasabihin mo?", tanong niya. Hindi na siya nag-abala pa na papasukin ito sa hotel room niya. Ayaw niya rin namang magtagal pa ang usapan nila.

"Gusto ko lang sabihing wag na wag mong lolokohin si Laine. Dahil kapag nangyari yon, ako mismo ang makakalaban mo.", walang kagatol-gatol na sabi nito.

Natawa siya ng bahaw. Niloloko ba siya nito? Matapos nitong iwan si Laine at kunin ang babaeng tanging minahal niya, may lakas ng loob pa itong sabihan siya ng ganoon?

"Aminin mo nga sa'kin Noel. Mahal mo ba talaga si Carla?"

Napansin niyang kumunot ang noo nito. Hindi na niya iyon pinansin. Nagpatuloy lang siya sa gusto niyang sabihin.

"Kung mahal mo talaga si Carla, bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na iyan? Na parang mahal mo pa si Laine at ayaw mo siyang masaktan. Hindi ba't ikaw pa ang naunang manakit sa kanya?", sabi niya.

"Aaminin ko sa'yo, mahal ko pa rin si Laine. Pero hindi sapat pagmamahal na iyon para iwan ko si Carla. Sabi nga nila, you can love two person at the same time but not at the same weight. Nagkataon lang na mas mahal ko si Carla. At siguro, ang pagmamahal ko para kay Laine ay unti-unti na ring nababawasan dahil na kay Carla ang lahat ng atensiyon ko."

Namamanghang napatingin ako kay Noel. Hindi ko akalain na ganoon siya kaprangka.

"Kung iniisip mo na nagsisinungaling ako kay Carla, nagkakamali ka. Alam niya itong nararamdaman ko. Wala rin siyang reklamo. Kaya wag kang mag-alala. Hindi na ito aabot pa sa puntong makakasakit ulit ako ng damdamin ng babae. Alam ko rin sa sarili ko, na si Carla na ang makakasama ko habang buhay. Gusto ko lang malaman sa'yo kung tunay ba ang nararamdaman mo para kay Laine. Ayaw ko ng masaktan pa ulit siya. Ayaw ko ng maulit pa sa kanya ang naranasan niya sa akin."

"Huwag mo akong tulad sa'yo Noel. Hindi ako kagaya mo. Hindi ko kayang manakit ng babae lalo na't mahal ko."

"Mabuti naman. Alagaan mong mabuti si Laine. Makakaasa ba ko?"

Tumango siya bilang tugon.

"Sige na. Aalis na ako. May usapan pa kami ni Carla. See you around.", nakangiting paalam nito.

Hinintay niyang mawala ito sa paningin niya bago siya pumasok sa hotel room niya.

Kung tutuusin, napakaswerteng lalaki ni Noel. Dalawang babae ang nagmamahal dito. Ang babaeng minahal niya at ang babaeng kunwari niyang minamahal.

Wala siyang alam sa relasyon nito at ni Laine. Hindi niya alam kung mahal pa ito ng dalaga. Dahil kapag nakikita niyang nakatingin si Laine kay Noel, wala siyang makitang pagmamahal sa mga mata nito. Wala rin siyang makitang galit at pait sa mga iyon. Siguro, naka-move on na talaga si Laine sa mga nangyari.

Siya na lang ang naiwan. Siya na lang ang lihim na umiibig. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan si Carla at ang mga pinagsamahan nila. Pero susubukan niya ang lahat. Hindi pwedeng habangbuhay na lang siyang ganoon.

"How can I moved on when I'm still in love with you, Carla.", sabi niya habang iniisip na kasama niya lang si Carla.

Buti pa ang mga tao sa paligid niya, ang daling nakalimot.

Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa sa paggawang paglimot kay Carla. Lahat naman kasi ng ginagawa niya, ito ang naaalala niya.

Hindi niya rin itatanggi na nasasaktan siya ng sobra pag nakikita niya itong kasama si Noel. Naaalala niya yung mga panahong sila palagi yung magkasama. Kung pwede lang sanang maulit iyon. Kaso, hindi na pwede. Hindi na siya ang mahal nito.

Naiisip niya nga minsan kung totoo bang minahal siya nito noon. O baka naman kaya lang ito nanatili sa tabi niya ay dahil alam nitong hindi niya ito kayang saktan. Na safe siyang mahalin.

Pero hindi niya pa rin maiwasang isipin na babalik ito sa kanya kahit alam niyang hindi na iyon mangyayari pa. Masama bang umasa? Sabi nga nila, yun ang pinakamahirap na sitwasyong kalalagyan mo pag nagmamahal ka. Ang umasa kahit alam mong wala na.

Siguro, dadating din yung panahong mapapagod na siyang umasa. Yung panahong, puso niya na mismo ang susuko. Hihintayin niya na lang ang panahong iyon. Hindi niya mamadaliin ang lahat. Para sa susunod na magmahal ulit siya, alam niya na ang hangganan.

Sabi rin nila, kapag nasaktan ka na, oras na para utak naman ang gamitin mo. Isawalang bahala mo ang sinisigaw ng puso mo. Kung ganoon lang sana kadaling gawin iyon. Pero mahirap e. Sobrang hirap.

Napagtanto niyang dapat sa panahong iyon, tanggapin niya na ang nangyari. Dapat na siyang mag-move on.

Paano niya maa-appreciate ang ganda ng Rome kung puro hinaing ng puso ang nararamdaman niya?

Napagdesisyunan niyang gagala na lang siya para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Naalala niyang bigla si Laine. Yayayain niya itong lumabas. Kahit pa sinabi niya ng hindi sila magkikita ng araw na iyon. Ayaw niyang mapag-isa. Mas lalo niya lang nararamdaman ang sakit kapag wala siyang kasama.

Kakatok na sana siya pero biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Laine. Napangiti siya. Bumalik na ang good mood niya.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon